Okey pagkakitaan ang pag-aalaga ng tupa

ANG sheep production sa bansa ay dapat na paunlarin gaya ng pagpo-poultry, pagbabakahan at pagbababuyan. Marami ang nagpatunay na masarap ang karne ng tupa.

Madaling alagaan dahil matibay sa sakit ang tupa kaysa kambing. Dahil sa mas makapal ang balahibo, mas resistant sa impeksyon ang tupa. Dalawang klase ang tupang ibinibenta: Ang hain-type na gamit sa paggawa ng sweater at mga jacket na panlamig.

Ang karneng tupa ay masarap gaya ng gatas nito. Kadalasan ang lalaking tupa ang kinakatay.

My isang lugar sa San Miguel, Bulacan na kay gandang panoorin ang mga tupang nanginginain. Umaabot pala sa 150 tupa na meron ang may-ari ng tupahan na iyon. Ang ‘‘breeder’’ o inahing tupa ay espesyal na binabantayan.

Sa isang anakan ay dalawang tupa ang inilalabas ni Mother Sheep. Sa isang hektaryang lupa ay tinatayang 50 hanggang 50 tupa ay puwedeng alagaan. Sa one hectare lot ay puwedeng tatlong barakong tupa ang aasawahin ang 24 na babaing tupa. Nasa sipag, tiyaga at pag-aalaga nakasalalay ang kakayahang dumami ang mga tupa.

Show comments