^

PSN Opinyon

Pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ABALA na ang marami sa atin sa paghahanda sa pag-alaala ng mga namatay na kamag-anak. Marami rin ang pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya kaya hindi maiiwasan ang pagsisikip ng trapiko. Sa panahong ito, kinakailangan nating mag-baon ng pasensiya at mahinahong pag-iisip.

Ang All Saint’s Day at All Souls Day ay panahon ng pag-alaala sa mga yumaong kamag-anak. Masarap alalahanin ang mga bagay na itinuro sa atin at mga pinagdaanan sa buhay. Ang kanilang pagmamahal at pagkalinga sa atin ay magandang paggunita ng nakaraan para gawing halimbawa sa pagpapalaki sa ating mga anak.

Sa iba, ang panahong ito ay panahon ng pamamahingang pansamantala sa ating mga trabaho. Kadalasang pumupunta ng probinsiya upang makalanghap ng malamig at preskong simoy ng hangin. Nagmumuni-muni sa mga magagandang bagay na nangyari sa buhay at pagsasaayos ng sarili sa anumang pagkakamaling ginawa.

Sa mga pupunta ng sementeryo, maging maingat at mahinahon sa pagmamaneho. Magbigayan at konting pasensiya lamang po sa kanya. Maging mapayapa po sana sa pagdaos natin ng ‘‘All Saints Day.’’

ALL SAINTS DAY

ALL SOULS DAY

ANAK

ANG ALL SAINT

KADALASANG

MAGBIGAYAN

MARAMI

MASARAP

NAGMUMUNI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with