^

PSN Opinyon

Drug-free sa teritoryo ni Hagedorn

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SA January 2004, idedeklara ni Puerto Princesa City Mayor Edward S. Hagedorn na drug-free ang kanyang teritoryo. Sa kasalukuyan ay jueteng-free ang kanyang kaharian.

Nang manungkulan bilang mayor ng Puerto Princesa si Hagedorn, ipinatawag niya ang 7-big-time at notorious drug pushers ng lungsod. Nang malaman ito ng iba pang mga drug pushers ay nagmistulang piyesta ang kanyang munisipyo dahil nagdagsaan sa kanyang opisina ang mga drug lords.

Sabi ni Hagedorn, ang akala ng mga drug lords ay titimbre ako kaya ko sila pinatawag. Marami ang nag-offer ng pera. Kahit magkano ay ibibigay nila. Ang pagkakamali lang nila ay hindi ito ang dahilan kung bakit ko sila pinatawag. Ang gusto ko ay lumayas sila sa Puerto sa madaling panahon.

Hindi sila puwede rito kaya binalaan ko ang mga tulak na hindi puwede ang kapritso nila sa aking kaharian. Kung ayaw nilang tumigil sa katutulak ng droga, lumayas sila sa Palawan. Hindi ito ang lugar para sila mag-tripping kahit na maganda ang nature dito. Warning ni Hagedorn ang lahat ng mahuhulig dupang, pushers, drug lords ay kanyang kakasuhan at ipakukulong.

Pero initsapuwera ni Hagedorn ang agam-agam hinggil sa isyu ng salvaging versus sugapa sa droga. Ani Hagedorn, hindi ito ang makakalutas ng problema para sa Puerto Princesa. Ayaw natin ng patayan sa Puerto! Maka-Diyos tayo at hindi maka-demonyo!

Inaalagaan natin dito ang kagubatan, kahayupan, karagatan kaya dapat din nating alagaan ang mga dupang sa droga na naliligaw ng kanilang landas. Kaya binibigyan natin sila ng pagkakataong magbagong-buhay alang-alang sa kanilang mga pamilya. Pero sa mga notorious pasensya kayo dahil hindi kayo welcome sa Puerto Princesa. Ika nga, dapat nasa impiyerno kayo. Kaya kay Satanas kayo makipag-jamming.

"Bilib ako kay Hagedorn dahil nasuweto niya ang droga sa Puerto Princesa," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Political will lang ang ipinakita ni Edward kaya maayos ang kanyang lugar," anang kuwagong Kotong Cop.

"Ika nga ni Hagedorn, yes we can! If we have the will to do it!"

"Kaya mga kamote, tularan natin ang mayor ng Puerto Princesa. Let’s do it!"

ANI HAGEDORN

HAGEDORN

IKA

KAYA

KOTONG COP

PUERTO

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with