Basta!
October 30, 2003 | 12:00am
DAPAT siguro ay alisin na natin ang lahat ng batas at sistema ng gobyerno at tigilan na natin ang kahibangan na tayo ay isang demokrasya.
Ang mga nangyayari nitong nakaraang araw ay patunay na walang silbi ang batas sa ating bansa at ang kapangyarihan na pag-aari raw ng sambayanan ay hawak lang ng iilang makapangyarihang naghaharing puri sa ating lipunan.
Mulat sapul ay paniwala natin na ang lahat ng bagay pati na ang pagpapatalsik sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno pati Pangulo ay dapat idaan sa isang maayos at malinis na paraan.
Ganyan sana ang ginawa kay dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada pero nawalang saysay ang lahat ng ito ng mag-walk out ang mga miyembro ng prosecution ng ayaw buksan ang pangalawang envelope.
Binuksan ang pangalawang envelope pagkaraan ng ilang linggo nawala na si Erap at napatunayan na wala palang nilalaman na mag-uugnay kay Erap sa JOSE Velarde account.
Binura ng mga nag-rally sa EDSA, kasama na ang ilang libong kabataang galing sa mga paaralang pribado na doon pinag-excursion, ang boto ng mahigit 11 milyong Pilipino.
Pero anong magagawa, nangyari na yan at panalangin nga natin noon ay hindi na maulit at sana nga idadaan na lang sa rule of law ang anumang hangad na patalsikin ang iba pang opisyal na gustong patalsikin.
Malungkot nito ay ayaw talagang payagan ng mga naghaharing puri na umiral ang batas. Naniniwala sila na sila ang may karapatan at laging tama at masusunod sa anumang nangyayari sa ating bansa.
Pinatunayan muli nila ito sa kaso ni Supreme Court Chief Justice Hilario Davide sa kanilang lantarang pagkampi. Hinamon at tinatakot rin nila ang mga miyembro ng Kongreso at sinabihang umatras kung hindi ay gagamitin nila ang People Power.
Masakit nito, lantaran ang pagsasama ni Madam Senyora Donya Gloria, ni dating Pangulo Madam Cory Aquino na ina ni Kris Aquino at ang akala nating nagretiro nang si KARDINAL SIN. Kasama ng kanilang mga alipores na nakasakay sa mga sasakyang nagkakahalaga ng milyun-milyon ay tinungo nila ang Batasan at doon pa sa loob nag-rally upang kampihan si Davide.
Ang mga laban naman kay Davide na naka-tricycle na de motor at de PIDAL ay hindi pinayagan at sa labas daw dahil sila raw ay ni walang maayos na damit at komo mahihirap ay mga bayaran daw, ayon sa isang Mestisang Ginang na kasama ng Evil Society na tinuturuan pa ang mga reporter kung ano ang dapat i-report.
Ang kinikilos ng grupong ito na naghaharing puri ay garapalang paraan na sinasabi sa sambayanang Pilipino na huwag na kayong pumalag dahil lahat ng sabihin namin ay dapat mangyari at hindi sila maaaring magkamali. Pakiramdam yata nila Diyos sila. Ingat kayo, mahaba ang pasensya ng Diyos pero pag nagalit ang tunay na Big BOSS baka karmahin kayo.
Pinangalandakan din sa kilos ng grupong ito na sila lang ang nakakaalam ng tama at mali at ang sinumang sumuway sa kanila, kasama na po ang inyong lingkod ay mga bayaran.
Si Davide naman na nakakita na ng kakampi ay lalong tumapang at ni ayaw sagutin kung totoo ba na may mga silya silang pinamili na nagkakahalaga ng P120,000 bawat isa, kurtina na umaabot sa P8.12 million, 19 na magagarang kotseng nagkakahalaga ng P30.9 million at mga mansion sa Baguio na aabot sa P34.6 million.
Sa madaling salita, ang pinalalabas nila ay BASTA tama sila, BASTA walang kasalanan si Davide, BASTA sila ang nasa katwiran, BASTA pag kakampi nila tama at malinis at maayos at magaling, BASTA pag kauri nila marunong, matalino at higit sa lahat maka-bayan at marunong bumoto.
Eh papaano pag mahirap ka, sumuway ka sa kanila, wala kang magagarang kotse at sekretong bank account gaya ng JOSE Pidal account, wala kang MAHIWAGANG BAG at MAGIC LUGAW at Flying Chair at Flying Curtain, di ka nakapag-aral sa abroad, maliit lang ang bahay mo at baka sa squatter pa at higit sa lahat wala kang mansion sa Baguio, Tagaytay, Gold Coast sa Australia, San Francisco, Maryland at Miami sa US ano ang tawag sa yo?
Bobo, pulubi, bayaran, hampas lupa, walang alam, immoral, corrupt, marumi at iba pang masakit na salita! Bakit naman? BASTA! BASTA! BASTA!
BASTA! Yan na ho ang umiiral na batas. BASTA! na ba ang batas. Ang nasusunod na ba ay BASTA! Walang katwirang BASTA!
Ano sa palagay nyo? Text sa 09272654341 para sa anumang reaksyon.
Kay gma ang mhi2rap lalo naghi2rap, myman llo yumyman, mga kurakot llo nngu2rakot at mga wla job llo dumrmi kya dumrmi din krimen. 09183442800; Hindi cguro ngbbsa ng dyaryo ang mga taga-palasyo kya di nla makita n lugmok n ang mga pinoy s kahirapaan. Gma gising! 09172077557;
Bakit gnyan an administrsyn. Pag an ekonmiya at piso ay bgsak kung knikanino cnicc an gawin nla trghuhin at hnapan ng mgandang solusyon hrap kc s adminstrsyon puro kurakot donate pa ng dolyar sa iraq. 09262928197; Baka sa halip na sa iraq mapunta sa account ni JOSE PIDAL mapasok ang $1-M. bayaan natin ang US na umayos sa iraq kasi sila ang sumira diyan. 09194054085;
Bakit ayw mlman ang kto2hanan? Nagtatanong lang po chief justice Davide. 09185142695; Dbol stndrd d2 pinas, kpg kkmpi plsyo abswl2 pro kpg klban s opcsyn lagot lht praan ggwin pra kulong. 09262606128;
Gma bago ka tumulong sa ibang bayan 2lungan mo muna ang bayan mo. 09169692328; Bakit b ayaw nyo mniwala unlad n PINAS! D b dati Bwaya lng nsa Palasyo e ngayon JURASSIC n d b! e d unlad n! sey nyo? 09163841995.
Ayos tlaga ang ekonomiya d2 sa pinas patay na ninnkwan pa ng mga (abc) alligator, buwaya, crocodile sa gobyerno. 09183414221; Barya lng ang hlaga ng pagkataot prinsipyo ng mga supporters ni danding! 09205841338; Sa hlip byan muna ang unahin bat ibang bansa pa. 85261598362.
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kayay mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended