Nang hindi pinakinggan ang kanilang protesta, nagsampa sila ng reklamo sa National Labor and Relations Commission (NLRC) para sa kanilang differentials. Sa huli ay inatasan ng NLRC ang unibersidad na bayaran sina Benny at Maura. Kinuwestiyon ito ng unibersidad. Iginiit nito na ang mga nasabing guro ay may retirement plan na nang maipasa ang RA 7641, kaya hindi na sila maaaring bigyan pa ng benepisyo mula rito. Tama ba ang unibersidad?
MALI. Layunin ng RA 7641 na mabigyan ng minimum retirement benefits ang mga manggagawa na hindi nasasaklaw ng Collective Bargaining Agreement (CBA) o ano pa mang kasunduan. Saklaw din ng nasabing batas ang mga establisimiyento na may CBA o may voluntary retirement plans kung saan ang benepisyo ay mas mababa sa iginagawad ng RA 7641.
Kaya sina Maura at Benny ay makatatanggap ng benepisyo mula sa nasabing batas (MLQ vs. NLRC et. al. G.R. 141763, October 17, 2001).