^

PSN Opinyon

Reklamo sa unibersidad dahil sa kulang na benepisyo

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SINA Maura at Beny ay mga guro ng isang unibersidad. Sila ay mayroong retirement plan na aprubado ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Si Maura ay halos 29-taong nagtuturo samantalang si Benny ay 25-taon naman. Nang umabot sila sa edad ng pagreretiro ayon sa kanilang retirement plan, pinayagan sila ng unibersidad at iginawad ang kaukulang benepisyo. Batay sa naging kuwenta ng unibersidad, ang benepisyo ni Maura ay umabot lamang ng P71,674.91 samantalang P34,282.02 ang kay Benny. Nagprotesta sila dahil ayon daw sa RA 7641, makakatanggap dapat si Maura ng P149,401.62 samantalang si Benny ay P150,215.75.

Nang hindi pinakinggan ang kanilang protesta, nagsampa sila ng reklamo sa National Labor and Relations Commission (NLRC) para sa kanilang differentials. Sa huli ay inatasan ng NLRC ang unibersidad na bayaran sina Benny at Maura. Kinuwestiyon ito ng unibersidad. Iginiit nito na ang mga nasabing guro ay may retirement plan na nang maipasa ang RA 7641, kaya hindi na sila maaaring bigyan pa ng benepisyo mula rito. Tama ba ang unibersidad?

MALI.
Layunin ng RA 7641 na mabigyan ng minimum retirement benefits ang mga manggagawa na hindi nasasaklaw ng Collective Bargaining Agreement (CBA) o ano pa mang kasunduan. Saklaw din ng nasabing batas ang mga establisimiyento na may CBA o may voluntary retirement plans kung saan ang benepisyo ay mas mababa sa iginagawad ng RA 7641.

Kaya sina Maura at Benny ay makatatanggap ng benepisyo mula sa nasabing batas (MLQ vs. NLRC et. al. G.R. 141763, October 17, 2001).

BATAY

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COLLECTIVE BARGAINING AGREEMENT

IGINIIT

KAYA

KINUWESTIYON

MAURA

NANG

NATIONAL LABOR AND RELATIONS COMMISSION

SI MAURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with