^

PSN Opinyon

Tulad ng GSIS, kulang din ang COMELEC sa kaalaman ng komunikasyon

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAKAABANG ang taumbayan sa magiging resulta sa implementasyon ng pinagmamalaking "computerization program" ng Commission on Elections (COMELEC). Unang masusubukan ngayong darating na eleksyon sa buwan ng Mayo ng susunod na taon.

Alam kong malaking halaga ng salapi ang ginugol dito ng pamahalaan. Malaking kahihiyan ‘to, kung bandang huli maging inutil lamang at walang silbi.

Hindi ko kinukumpara ang COMELEC ni chairman Benjamin Abalos sa inutil na tanggapan ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ngunit hindi ko maiwasang paghambingin, posibleng sapitin din ng COMELEC ang problema. Tulad ng sinapit na problema ni GSIS President-General Manager Winston Garcia. Nagkawindang-windang ang kanyang ahensya.

Ang ugat nito, ang kakulangan sa kaalaman pagdating sa salitang "komunikasyon." Uulitin ko, "the quality of communication are the quality of an organization."

Bagamat magkaiba at magkalayo ang trabaho ng dalawang tanggapan. Ngunit ang walang pinag-iba sa kanila, ang labis na tiwala sa kanilang paggamit ng "computerization" ngunit kulang naman sa komunikasyon.

Madalas naming marinig si Chairman Abalos. Subok na raw nila ang gagamiting computer sa dararating na eleksyon. Tiniyak n’ya sa maraming pagkakataon, walang magiging problema sa 2004 election.

Ngunit iba ang naging pananaw ng mismong chairman ng National Movement for Free Election (NAMFREL).

Nakapanayam namin sa aking radio program sa "Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO sa DZME si Namfrel chairman Jose Concepcion, Jr.

Inirereklamo nito ang pagkakabinbin ng kanilang "accreditation." Aniya, pinahihintulutan lamang sila ng Comelec bilang katulong sa pagbibigay ng "educational campaign."

Maihahalintulad lamang daw ngayon ang kanilang grupo sa isang media outlet. Kung saan magbibigay lamang sila ng impormasyon hinggil sa eleksyon.

Pinagbabawalan na rin daw sila ng Comelec ng pagsasagawa ng "operation quick count." Hindi na raw ito katulad ng kanilang dating ginawa bago pa man maupo bi-lang pangulo, si Corazon Aquino.
* * *
Para sa TIPS; type

BITAG<space>TIPS <space> (message)


COMPLAINTS; type

BITAG<space>

COMPLAINTS

<space>(message)


FEEDBACK; type BITAG<space>FB>

<space>(message)


I-text at send sa 2333 (Globe/TouchMobile) O 334 (Smart/TalknText).

O tumawag sa telepono 932-5310 / 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

E-mail us: [email protected]

vuukle comment

BENJAMIN ABALOS

CHAIRMAN ABALOS

COMELEC

CORAZON AQUINO

FREE ELECTION

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

JOSE CONCEPCION

NATIONAL MOVEMENT

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with