^

PSN Opinyon

Salaysay ng bagong testigo sa Kuratong (2)

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAG-PULIS si Capt. Abelardo Ramos nu’ng 1991. Nang naganap ang Kuratong Baleleng massacre nu’ng May 1995, taga Traffic Management Group siya sa Camp Crame. Bilang testigo, bahagi ito ng salaysay niya:

"May 17, 9 p.m., niradyo ako sa SOU Limbas Office ni TMG chief Col. Francisco Zubia na pumunta agad sa Camp Bagong Diwa, Bicutan. Pagdating ko, nagradyo uli si Col. Zubia na tumuloy sa opisina ni Gen. Jewel Canson, PNP-Metro Manila chief, sa kampo ring ‘yon para sa pulong kung saan ilalahad ang operasyon laban sa KB.

"Nandoon din sa pulong sina Gen. Panfilo Lacson, hepe ng Task Force Habagat, Gen. Romeo Acop, hepe ng Criminal Investigation Command, C/Insp. Erwin Villacorte, Supt. Zorobabel Laureles, at iba pa.

"Sa pulong inatasan akong sumunod sa V-150 armored personnel carrier para magsilbi kaming perimeter defense sa Superville, Parañaque, kung saan may hideout ang KB/Solido Group.

"Naghintay kami roon ng enkuwentro, pero wala kami narinig na barilan. Umalis ako sa kotse at tinungo ang V-150 na pumasok sa bahay. Nakita kong walo katao ang nabihag ng police unit na unang sumugod.

"Sinakay namin ang walo sa dalawang L-300 vans at tumungo sa TMG sa Camp Crame. Tinawag ako si Col. Zubia para sa isa pang pulong kina Lacson, Acop, Laureles, Villacorte, at iba pang opisyales ng PNP.

"Utos ni Col. Zubia, dalhin namin ang mga bihag sa Commonwealth Ave., patayin pag baba ng flyover, at palabasing nagka-enkuwentro. May clearance raw ito sa nakatataas. Tumango si Lacson –pagsang-ayon sa buong plano. Bago ako umalis, sinabihan pa niya ako na "baka may mabuhay pa diyan."

"Sumakay ako at tatlong tauhan sa unang van, kasama ang apat sa nahuli sa Superville. Sumunod ang ikalawang van sa Commonwealth. Doon isinagawa ang utos nina Lacson, Acop at Zubia.

"Dumating si Maj. Glenn Dumlao kasama ang mga tauhan at inako ang umano’y shootout. Nilagdaan: March 24, 2001."

ABELARDO RAMOS

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

COMMONWEALTH AVE

CRIMINAL INVESTIGATION COMMAND

ERWIN VILLACORTE

FRANCISCO ZUBIA

LACSON

ZUBIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with