^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Buwagin ang CIDG

-
SA bibig na mismo ni Philippine National Police (PNP) chief Hermogenes Ebdane Jr. nanggaling na kapag ang isang pulis ay nasangkot sa kidnapping, siya ay itinuturing nang kriminal. At dapat lamang, ayon pa kay Ebdane, na tratuhin siyang kriminal, wala nang iba pa. Mahigpit ang babala ni Ebdane sa kanyang mga tauhan, mananagot ang sinumang gagawa ng masama. Sisibakin!

Kung magkakaroon ng katotohanan ang mga banta ni Ebdane, magandang senyales ito sa maruming organisasyon na kanyang pinamumunuan. Hindi naman kaila na marami ang humihingi sa "ulo" ni Ebdane. Tama na anila ang mga pangyayari sa PNP na nagdulot pa lalo ng masamang imahe rito. Palitan ng isang pinunong makapagpapabago at makapaglilinis sa masasamang tauhan.

Mula nang hawakan ni Ebdane ang PNP, maraming malalagim na pangyayari ang naganap kaya hindi masisisi ang taumbayan at mga pulitiko mismo na hingin ang "ulo" ng PNP chief. Sa liderato ni Ebdane naganap ang mga pagtakas ng mga bigating preso sa Camp Crame. Kabilang dito ang bigtime drug lord na si Henry Tan na nilagari ang rehas at saka tumakas nang walang kahirap-hirap. Nakatakas din sa Crame ang Moro Islamic Liberation Front rebel na si Faisal Marohombsar na napatay naman makaraan ang isang buwan sa Cavite. Pinakamalaking balita at kontrobersiya ang pagkakatakas ni Indonesian bomb expert Fathur Rohman Al-Ghozi noong July 14. Kailan lang napatay si Al-Ghozi. Sinundan ang kontrobersiyang iyon nang pag-aamok ng Abu Sayyaf bandit na si Buyungan Bungkak may dalawang linggo ang nakararaan. Tatlong pulis ang napatay ni Bungkak. Sa kabila ng mga pangyayaring ito, nasa puwesto pa rin si Ebdane. Pinagtitiwalaan pa rin ni President Arroyo.

Sa pagtitiwalang ito dapat maantig si Ebdane. Gawin naman niya ang nararapat para maibalik ang pagtitiwala ng taumbayan sa PNP. Unang dapat niyang gawin ay ang pag-aalis sa mga scalawags sa PNP. Oo nga’t nagbanta na siya pero ang kailangan ay aksiyon. Unahin ni Ebdane ang pagbuwag sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na sa aming palagay ay humihila sa kanya pababa. Nasa CIDG ang mga masasamang pulis na sangkot sa kidnapping. Halimbawa rito ay sina Supt. Efren Valeriano at Sr. Insp. Romeo Odrada kasama ang tatlo pang CIDG agents. Sangkot sina Valeriano at Odrada sa kidnapping ng isang Chinese businessman. Inaresto nila ang Chinese pero hiningan ng P10 milyon para makalaya. Ganyan din ang ginawa ni Odrada kay Dr. Frank Aragon. Inaresto at hiningan ng milyong piso para makalaya.

Dapat pa ba ang CIDG? Hindi na! Kung marunong tumingin si Ebdane sa nagtitiwala sa kanya, buwagin ang CIDG at linisin ang buong PNP.

ABU SAYYAF

BUYUNGAN BUNGKAK

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DR. FRANK ARAGON

EBDANE

EFREN VALERIANO

FAISAL MAROHOMBSAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with