^

PSN Opinyon

Reklamo ng nangungupahan sa may-ari ng bahay

SERGIOSOHAN - SERGIOSOHAN Ni Sergio A.F. Apostol -
Tatlong taon na akong biyuda. Nangungupahan po ako sa isang bahay sa Quezon City. Ang aking ikokonsulta ay tungkol sa ginawa sa ‘kin ng may-ari ng bahay na si Aling Lagring.

Hindi ko binayaran ng dalawang buwan ang aking upa bilang protesta sa hindi pag-aksyon ni Aling Lagring sa aking pakiusap na ipagawa ang bubong ng bahay na inuupahan ko. Anak naman po n’ya ang nakabutas nito nang tamaan ng batong hinagis niya habang siya’y naglalaro.

Isang araw ay dumating si Aling Lagring at galit na naniningil ng aking dalawang buwang pagkakautang. Sinabi kong magbabayad lang ako kung ipapagawa n’ya ang butas kong bubong.

Kinatwiran ni Aling Lagring na hindi naman daw n’ya alam at mapapatunayan kung pa’no nabutas ang bubong ko kaya hindi s’ya ang dapat magpagawa nito. Dito na po nag-umpisa ang aming pag-aaway.

Kinabukasan ay umalis ako ng bahay upang pumasok sa opisina. Lingid sa kaalaman ko ay agad pinasok ni Aling Lagring ang bahay kong inuupahan upang palitan ang kandado. Meron pala s’yang duplicate key sa main door ng bahay ko. Tama ba ang ginawa niya?
–LOURDES SARINO, Cubao, Quezon City

Hindi tama ang ginawa sa ‘yo ni Aling Lagring kahit hindi ka nakabayad ng ‘yong upa. Ang tamang proseso ay padalhan ka n’ya ng demand letter para magbayad ka. Kung hindi ka pa rin magbayad, puwede ka naman n’yang sampahan ng kasong Unlawful Detainer. Pero ‘di sang ayon sa batas ‘yung biglang pagpapad-lock na ginawa ni Aling Lagring upang puwersahan ka n’yang pigilan na pumasok sa inuupahan mong bahay.

Maari mong sampahan ng kasong Grave Coercion si Aling Lagring dahil sa paggamit n’ya ng puwersa upang pigilan ka sa paggawa ng isang bagay na hindi bawal sa batas. May karapatan kang pumasok sa bahay na ‘yon dahil wala pa naman order mula sa Korte na lisanin mo ito. Bukod pa d’yan ay may rason kang ‘wag magbayad ng upa dahil ayaw n’yang ipagawa ang bubong na nasira ng anak n’ya.

Kung s’ya ay mapatunayang nagkasala, the penalty of ar-resto mayor (prisonment from 31 days to six months) and a fine not exceeding P500 shall be imposed upon her.

ALING

ALING LAGRING

ANAK

BAHAY

BUKOD

GRAVE COERCION

LAGRING

QUEZON CITY

UNLAWFUL DETAINER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with