Alejandrotong at Chairman Sy, tapos na kayo
October 26, 2003 | 12:00am
BILANG na ang mga araw ng pagmamalupit nina Frankie Alejandro alyas Alejandrotong at Chairman Turing Sy sa mga maliliit na vendors sa Divisoria. Kumilos na si Manila Mayor Lito Atienza at pinaimbestigahan ang sumbong ng mga Pinoy vendors laban kay Alejandrotong at Sy kahit na ang dalawa ay abot-langit ang pagmamayabang na malakas sila sa kanya. Ibig sabihin niya, hindi pinababayaan ni Atienza ang kapakanan ng Pinoy vendors lalo na habang palapit ang Kapaskuhan. Saan kaya dadamputin sina Alejandrotong at Sy dahil ang balita ko galit na sa kanila hindi lang si Mayor Atienza kundi maging ang maybahay nito na chairwoman ng vending program ng Maynila, he-he-he! Nag-aalboroto raw sina Alejandrotong at Sy bunga sa pag-expose natin sa ilegal nila diyan sa Divisoria.
Kahit umugong ang balita na nagpa-imbestiga na si Mayor Atienza, hindi pa rin nawawala ang pangamba sa mga Pinoy vendors dahil tuloy din naman ang mga ilegal nina Alejandrotong at Sy. Ayon sa sumbong ng mga Pinoy vendors P80,000 pala weekly ang koleksiyon ni Sy sa kahabaan ng riles sa Claro M. Recto at Asuncion. At kahit nabuwag na ang anti-littering unit ng City Hall, may isang alyas Jerry Escultor naman na patuloy pa ring nangongolekta sa kanila. At ang mga kolektor ni Escultor ay kilala sa mga alyas na Mang Ador Five-Six, Fred Lasenggo, Aling Tita, Bernie at Orly. Dapat isama rin ni Mayor Atienza sa imbestigasyon si Escultor, di ba mga suki?
Sobra talaga ang lakas ni Alejandrotong dahil kaklase pala ito ng anak ni Mayor Atienza na si Ali. Ginigipit niya ang mga Pinoy vendors para palitan nga ng mga kapwa niya Intsik na karamihan dito ay mga illegal alien. At kakutsaba niya sa kanyang raket itong taga-Hawkers sa City Hall. Kaya kung may makita kayong mga Intsik na vendors sa kahabaan ng Divisoria lalo na sa Ilaya, aba wag na kayong magtaka at tiyak kagagawan yan ni Alejandrotong. Ang namamahala sa Ilaya para kay Alejandrotong ay si Tessie Cuevas, anang nagsumbong sa akin. Dapat din sigurong imbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) si Alejandrotong dahil baka alien din siya.
Dahil sa nakialam na si Mayor Atienza sa problema nila, gustong pasalamatan ng mga Pinoy vendors si Rose Chua ang trustee at coordinator ni Mrs. Atienza sa mga legitimate vending program niya. Nakarating kasi sa kaalaman ng mga vendors na pinupursigi ni Chua na wag magtagumpay ang mafia nina Alejandrotong at Sy para isulong nga ang kapakanan ng mga maliliit na vendors. Sana yumabong pa ang lahi ni Chua para may tagapagtanggol ang mga maliliit na mahihirap sa ating bansa.
Sa tulay naman sa Recto kung saan si Sy ay namumugad, aba P50,000 kada linggo pala ang kinokolekta ni Alyas Alex para sa Hawkers nga. Kaya kung hindi makaraan sa kalye ang mga motorista ay dahil tinambakan ni Alex ng vendors ang lugar. Kumusta na ang illegal koneksiyon mo sa tubig at jumper sa Meralco ha chairman Sy Sir? Ang balita ko, ang anak ni Sy na si Randy Sy ay isa sa mga video karera operators sa Maynila. Buhusan mo rin si Randy ng galit mo Mayor Atienza. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended