Pagkain para sa utak
October 24, 2003 | 12:00am
B is for brain. Maraming B vitamins ang kailangan para sa normal brain and nerve function. Ang Vitamin B1 (Thiamine) ay kailangan para magkaroon ng malusog na brain and nerve cells. Matatagpuan ang Vitamin B1 sa karne, tinapay, kanin, pasta at fortified cereals.
Ang Vitamin B5 o Panthothenic Acid ang nagpoporma na coenzyme na gamit sa transmission of nerve impulses at makukuha ito sa pagkain ng karne, itlog, isda, gatas, gulay at prutas. Ang Vitamin B6 (Pyridoxine) ay tumutulong sa conversion ng tryptophan into serotonin na isang blood chemical. Makukuha ito sa manok, isda, pork, liver, kidney, whole grain cereals, nuts and legumes.Tinutulungan ng Vitamin B12 (Cyanocobalamin) ang pagpapayabang ng red blood cells, ang paglaganap ng protina at ang pagmamantini ng nervous tissue. Matatagpuan ang bitaminang ito sa itlog, karne, isda, gatas at iba pang diary products. Ang iba pang brain food ay saging, orange juice, strawberry, dried beans and peas.
Sa epektibong nerve function ay nakatutulong nang malaki ang mga minerals na magnesium, potassium at calcium. Sagana sa magnesium ang mga green vegetables, whole grains, nuts and legumes. Masustansiya naman sa potassium ang avocado, saging, langka, oranges, prunes, potatoes, meat and fish at ang calcium naman ay taglay ng gatas at mga milk products gaya ng keso, yogurt, calcium-fortified foods and fish with edible bones.
Kailangan din ng utak ang maraming tubig kaya ipinapayo ang pag-inom ng walong basong tubig araw-araw at iwasan ang pag-inom ng kape at mga colas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest