Anti-terrorist group palawakin sa airport
October 21, 2003 | 12:00am
PURSIGIDO ang gobyerno na ipagpatuloy ang laban sa terorismo kaya naman pinalawig ni BI Commissioner Andrea Domingo ang anti-terrorist unit sa lahat ng airport sa Pinas.
Seryoso pala ang pamahalaan tungkol dito.
Ang akala natin ay ningas-kugon lang ang nasabing project at para lamang ito sa pagdating ni US of A Prez George W. Bush.
Gusto ni Andrea na gawing Anti-terrorist Division ang datiy unit lamang na opisina.
May 15 ala-James Bond na pawang mga immigration intelligence ang siyang tumitiktik sa hinihinalang teroristang papasok sa Pinas.
Kino-kodakan pa nila ang bawat pasaherong hinihinala nilang kaalyado ni Osama Bin Laden pag dumarating sa NAIA.
Bukod sa pagko-kodak ay pino-profile ng nasabing grupo ang mga taong kahina-hinala ang mga ikinikilos o mga taong gustong maghasik ng milagro sa bansa.
Siyempre hindi kasama ang mga pari at madre dito? He-he-he!
Kapag napulsuhan ng Anti-Terrorist Unit ang taong hinihinala nilang terrorist ay mabilis nila itong iniimbita sa intelligence office sa may arrival area ng airport at doon iniimbistigahan.
Oras na nag-negative ang kanilang interrogation agad naman nila binibigyan ng clearance to enter the Pinas ang taong kanilang kinulit.
Nakahanda ang mga immigration officers sa airport at maging sa mga sub-ports sa lahat ng uri ng teroristang maaring maghasik ng miracle sa Pinas.
Maganda ang idea ni Andrea na gawing Division ang Anti-Terrorist Unit ng BI, anang kuwagong tiktik kalawang.
Bakit ang mga Arab looking individuals lamang ang kanilang kinokodakan sa airport? tanong ng kuwagong urot.
Hindi noh! Lahat ng mga primary suspects nila ay kinukunan nila.
Buti hindi nagagalit ang mga ito dahil labag sa karapatan pantao ang kunan ang isang tao na hindi mo pinagbibigay alam sa kanya na pipikturan mo siya?
Tama ka diyan.
Mas mabuting walang teroristang makapasok sa Pinas, sabi ng kuwagong Kotong cop.
Paano iyong mga inosenteng tao namamatay dahil sa kagaguhan ng mga terorista? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyan ang ipagdasal na lamang natin dahil minalas sila sa lupit ng terorista.
Diyan palagay ko tama ka, kamote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended