^

PSN Opinyon

Pag-udyok kay FPJ sa pulitika

SAPOL - Jarius Bondoc -
NU’NG 1936 iginiit ng Gary Cooper Fan Club sa California na ang idol nila ang dapat maging Presidente ng Amerika. Naipamalas na raw niya ang galing sa politika sa pelikulang Mr. Deeds Goes to Town. Katawa-tawa sila dahil ang pelikulang ‘yon ay isang fictional comedy tungkol sa isang "promdi" na biglang naging punong-bayan at pinalakad ang city hall nang walang tinatago. Patama ‘yon sa mga pulitikong maraming hidden agenda. Pero kathang-isip lang lahat.

Hindi kathang-isip at hindi komedya ang pag-uudyok ni dating Senate President at NPC president Ernesto Maceda kay Fernando Poe Jr. na tumakbong Presidente. Walang karanasan sa pamunuang pambansa si FPJ, bagamat nakita natin ang kagandahang-loob at tapang ng Panday. Sapat na ba ‘yon para maging Presidente?

Iisa lang ang pamantayan ni Maceda kay FPJ. Popular siyang artista kaya’t mahihila ang boto ng masa. Sa madaling salita, isusubo ni Maceda si FPJ dahil kaya nitong manalo, hindi dahil kaya nitong mamuno. Ano kaya ang balak ni Maceda – kapag nanalo si FPJ, siya (Maceda) ang magpapatakbo ng gobyerno bilang executive secretary? Parang Rasputin ang dating –’yung malupit na grand vizier na tunay na nagpapatakbo sa Russia nu’ng panahon ni Tsar Nicholas.

Hindi ko sinasabi na walang karapatan si FPJ kumandidato. Ayon sa Konstitusyon, kahit sinong natural-born Filipino na umabot sa edad-40, tumira sa Pilipinas nang 10 taon, at marunong bumasa at sumulat at puwede maging Presidente. Pero isipin sana ng mga politikong tulad ni Maceda na dapat din may karanasan sa pamumunong pambansa ang sinumang hahangad ng puwesto –para maging epektibo ang termino. Kaya nga ang mga nakaraang Presidente ay galing sa Kongreso o sa Gabinete. Si Cory Aquino lang ang hindi –at ‘yun ay dahil sa EDSA-1.

Jeffersonian democracy tayo. Ayon kay Tomas Jefferson, lahat ay may karapatang bumoto. Pero tungkulin ng botante na magbasa ng dyaryo at makialam. Ibig sabihin, mag-isip at magsuri ng ikabubuti ng bansa.

AYON

ERNESTO MACEDA

FERNANDO POE JR.

GARY COOPER FAN CLUB

MACEDA

MR. DEEDS GOES

PARANG RASPUTIN

PERO

SENATE PRESIDENT

SI CORY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with