Dapat na maluwag at maaliwalas ang sala at ang daraanan ay hindi madulas at maraming kagamitan na magiging dahilan ng pagkabundol, pagkadulas at pagkadapa ng mga bata at mga senior citizens na kapamilya. Iwasan din na walang bagay gaya ng laruan, bunot, atbp na sanhi ng pagkahulog sa hagdan.
Siguraduhing ligtas ang mga daluyan ng kuryente para maiwasan ang sunog. Dapat na magkaroon ng fire exits. Dapat malaman ng mga kasambahay ang mga "switches" ng ilaw at maging ng mga lampshades at saksakan ng TV at iba pang kagamitan.
Siguraduhin ding walang diperensiya ang mga door knobs gayundin ang mga bintana at pintuan ng mga kuwarto at iba pang bahagi ng kabahayan.
Hindi lang ang sala ang dapat na maayos at malinis, kundi maging ang mga kuwarto, dining room, kitchen at pati bathroom at CR. Kung merong bathtub siguraduhing may nagbabantay sa paliligo ng bata para maiwaan ang pagkalunod o anumang aksidente.
Siguraduhin din na ang gamot at iba pang chemicals ay nasa tamang lagayan at hindi kayang abutin ng maliliit na bata.