^

PSN Opinyon

Ni-rape ng ka-textmate

SERGIOSOHAN - SERGIOSOHAN Ni Sergio A.F. Apostol -
Limang buwan ko nang textmate si JP. Hindi kami magkakilala ngunit mabait naman s’yang kausap sa telephone at napaka-sweet ng text messages niya sa akin kaya medyo nagustuhan ko rin po siya. Kaya po nung napalagay na ang loob ko sa kanya after five months, pumayag po akong mag-"eyeball" kami.

Sa isang restaurant dito sa Cebu kami nag-meet. Pareho po kaming excited na makita ang isa’t isa. Ok na po sana ang lahat dahil para na kaming dating magkakilala. Ngunit hindi lang pala simpleng date ang gusto n’yang mangyari sa amin nung gabing ‘yon.

Nagpaalam lang po ako sandali para pumunta sa ladies’ room. Pagbalik ko po ay parang wala namang kakaibang nangyari. Uminom po ako agad ng iced tea na inorder ko pagbalik ko sa aking upuan. Nakangiti sa ‘kin si JP habang pinapanood n’ya akong uminom ng iced tea. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ‘ko ng pagkahilo. Akala ko’y dahil lang ‘yon sa lamig ng panahon at ng aking inumin. Hindi na nawala at mas tumindi pa ang aking pagkahilo kaya nagyaya na ‘kong umuwi. Hanggang sa nawalan na ‘ko ng malay bago kami sumakay sa kotse ni JP. ‘Yon po ang huli kong naaalala. Nilagyan pala n’ya ng pampatulog ang aking inumin para maisagawa ang kanyang masamang balak sa ‘kin.

Nagising na lang po ako sa isang kuwarto, hubad at pinapaligiran ni JP at ng kanyang apat na kabarkada. Pinagsamantalahan po nila ‘ko. Naaaninaw ko po ang mga mukha nila habang nilalapastangan nila ‘ko ngunit wala akong lakas na pigilan sila. Hindi ko akalain na magiging biktima po ako ng date rape. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito ikinukwento sa pamilya at mga kaibigan ko dahil sa sobrang kahihiyan. Ngunit hindi po ako papayag na hindi mapakulong si JP at ang kanyang mga kabarkada.

Ano po ang maari kong ikaso sa kanila?

–JILL DE GUZMAN, Cebu City


Dapat mong sampahan ng kasong rape si JP dahil laban sa kalooban mo at hindi mo ginusto ang ginawa n’ya sa ‘yo. Ang mga kabarkada ni JP ay equally liable sa kasong rape dahil kakutsaba sila ni JP. There is conspiracy when two or more persons come to an agreement to commit a felony and actually commit it. Sa kasong ito, ang lahat ng sangkot sa panghahalay sa ‘yo ay considered principals by direct participation. JP and each of his friends who participated in the rape shall not only be liable for the actual rape he committed but also for the rape committed by the other friends. If there were five of them who took turns in raping you, each of them shall answer for five counts of rape and not just one.

Under the new law Republic Act No, 8353, expanding the definition of Rape, the penalty shall be prision mayor (6 years and 1 day to 12 years) to reclusion temporal (12 years and 1 day to 20 years) if the rape is committed by two or more persons.

Jill, ‘wag mong palampasin ang kahayupang ginawa sa ‘yo nina JP. Humingi ka ng tulong sa pamilya at mga kaibigan mo. Maiitindihan at siguradong tutulungan ka nila dahil hindi mo naman kagustuhan ang mga nangyari.

vuukle comment

ANO

CEBU

CEBU CITY

DAHIL

DAPAT

HANGGANG

NGUNIT

RAPE

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with