^

PSN Opinyon

Busisiin ang NAIA 3 anomaly

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
UUMPISAHAN na pala ang imbestigasyon tungkol daw sa extortion activities ng iniiyak ng Fraport.

Tsinutsu ng Fraport sa International Center for Settlement of Investment Disputes sa World Bank ang nangyari sa kanila sa Pinas habang ginagawa ang NAIA 3.

Inirereklamo ng Fraport na may ilang top caliber people sa Palasyo ang nangikil daw sa kanila ng hindi birong tsapit.

Sa parte naman ng mga mambubutas este mali mambabatas pala, iimbitahan nila sa Sabado ang mga taong isinusuka raw ng Fraport na nangikil daw sa kanila.

Ang inginuso ng Fraport ay sina Gloria Tan-Climaco, at Avelino Cruz, pawang Presidential adviser ni Prez Gloria.

Kung totoo ito patay silang dalawa pero kung drawing ang reklamo tiyak yari ang Fraport sa dalawa.

May $100 million settlement offer daw ang ipinatong ni Climaco. Ito ngayon ang pinag-uusapan.

Kaya gusto ni Senator Ping Lacson na himay-himaying mabuti ang imbestigasyon.

Gusto rin ni Ping na magpaliwanag si Climaco kung bakit daw nito inuto ang Fraport na kunin ang serbisyo ng Villaraza, Angcangco law firm na sinasabing pribadong legal firm ni Prez Gloria.

‘’Wala naman daw nangyaring extortion activities sa Fraport," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘’Kaya taas-kilay lang ang Palasyo hinggil sa mga alegasyon,’’ sabi ng kuwagong hitad.

‘’Mag-iiyak ba ang Fraport kung walang nangyari sa kanila?’’ tanong ng kuwagong Kotong Cop.

‘’Sa palagay ko tama ka.’’

‘’Tama saan?’’

‘’Sa pader"

‘’Bakit?"

‘’Matindi ang isyu kaya abangan natin ang imbestigasyon.’’

‘’Diyan sa palagay ko korek ka, kamote."

AVELINO CRUZ

CLIMACO

FRAPORT

GLORIA TAN-CLIMACO

INTERNATIONAL CENTER

KAYA

KOTONG COP

PALASYO

PREZ GLORIA

SENATOR PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with