^

PSN Opinyon

My Way !

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
"AND now the end is near and so I face the final curtain," yan ay hango sa awit ni Frank Sinatra at napakasikat na awitin lalo na sa mga karaoke bar.  Awitin din ito na nagpapahiwatig ng nalalapit na katapusan at nababagay daw kay Madam Senyora Donya Gloria ayon sa kaibigan kong si Mang Gorio na nagtitinda ng lugaw malapit sa Luneta park.

Bakit naman? Tanong ko kay Mang Gorio pero ang sagot niya, order ka muna ng lugaw at mainit pa ito, garantisadong masarap pa.  Inisip ko, wala pa naman akong ginagawa kaya sige na nga total di naman ito magic lugaw tsaka P15 lang may laman ng kasama.

Sarap nga kaya mabilis akong kumain pero noong papatapos na, kinulit ko na siya, "Mang Gorio bakit nga My Way?" At tugon niya agad, kita mo kahit sa World Court may demanda si GMA, apat na senador na kakampi niya iiwan na siya, si  Vice President Tito Guingona at Sen. Loren Legarda inabandon na siya.  Nilayasan na rin siya ni De Villa, Roco at Lito Osmena.

Tapos tuloy tuloy pa ang pagtaas ng krimen, kita mo pati opisyal ng BIR na pinaghihinalaang naglabas ng dokumento ni JOSE Pidal pinatay.

Baka naman nagkataon lang, sabi ko kay Mang Gorio pero sumabat si Mang Rolando na namamasukan sa sales office ng isang travel agent na nagmemeryenda rin ng lugaw, "Nagkataon? Hindi bilang na araw niya tsaka kasalanan ni GMA yan, alam niya yang extortion na yang panghihingi ng $50 million dollar sa mga German."

Baka naman  hindi, sagot natin kay Mang Rolando, pero mabilis siyang sumagot, "Di ba personal na abogado ni GMA si Atty. Villaraza, di ba si Atty. Avelino Cruz na Presidential Legal Counsel ay law partner ni Atty. Villaraza, di ba si SC Justice Antonio Carpio ay partner din nila sa law office, di ba si Ombudsman Simeon Marcelo galing rin doon, di ba ang office nila sa LTA building din sa Perea St., Makati, opisina rin  ni Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo at ni JOSE Pidal?"  Daming tanong at oo nga pala sa lahat ng di ba ni Mang Rolando kaya tango na lang ako nang tango.

"Isipin n’yo ang kahihiyan niyan, 3rd most corrupt in Asia, 11th in the world at ngayon extortion capital pa, dapat mawala na siya," nanggagalaiting dagdag ni Mang Rolando. 

Lumalayo yata ang usapan kaya sabi ko eh bakit "My Way"?  Sasagot sana si Mang Gorio pero sumingit si Ms. Janet, college graduate pero sales clerk lang, "Kita mo iniiwan na siya ng lahat, parang daga na umaalpas sa isang barkong papalubog, kita niyo pati mga bansang Muslim sinuka siya, wala na yan, bilang na araw niya."

Pasok uli ako, ssshhh! Wag kang ganyan, baka isipin nila destabilization ang pinag-uusapan natin, pakulong pa tayo o idemanda mamaya ibalik ang state of rebellion, pero walang takot na sumagot si Ms. Janet, "Sa daming galit sa kanya pakukulong niya lahat, susunod ba sa kanya pulis  at military, kita mo ang  Magdalo may simpatiya pa kesa kanya, natataranta na siya, dapat resign na siya."

"Huwag n’yo nga pag-usapan yan, baka matulad kayo kay Judge Yadao sinisiraan  na o kung hindi kay Sen. Ping o baka kay Rosimo ng BIR  yun patay na," singit ni  Lola Virgie.

Basta sinasabi ko lang ang niloloob ko tsaka totoo naman, dapat naman maalis na siya, kawawa na kami," sabat uli ni Ms. Janet na puno na ng emosyon.

Inisip ko, paalam  na ako, baka nga makasuhan pa ako, baka sabihing kasali ako sa pumatay sa Kuratong Baleleng at kasabwat ako sa nagpatakas kay Al-Ghozi at pumatay sa kanya, makaalis na nga. Tsaka ko na lang tatanungin si Mang Gorio pag walang ibang kumakain.

Kayo ano palagay niyo, malapit na  ba? Text ang sagot sa 09272654341. 
* * *
Madali pala pag-imbistiga dahil  tao niya bakit jose pidal  hrap cya imbistiga. –09273697102;  Rubout o hndi ok lang pgkamatay ni al ghozi  peroo sna  pnakain muna cia magic lugaw bago kinana! –09223292881;

Hndi ko ngugustuhan ang  gngawa gma sa mga taong  byan lalo nyang pinagugulo ang Pilipinas. –09208900096; Buksan ang jose pidal account ng magkasubukan. –09194054085;  Cnadya tlgang ptyin c al ghozi para  d mabaling isyu kay jose pidal. –09183227778.

Nsaan ba un  lugaw  n  milliones ang hlaga  wala nman  me  nakita. Natapon yta pro may naibulsa. –09198595584;  Cguro kung d lacson ang nkkkbit  kura2ng bleleng  tgal  n  nlunod  s  lugaw ang kaso. –09204017322;

S pmmlkad  ni Gloria  pidal #3 tau sa pnkakurap na bansa s asia pno p kung  cia ang mamuno 4 anader  6 years. Cgurado tayo ang magiging #1 sa buong mundo.–09202976250.
* * *
Para sa ano mang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y magtext sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

KAY

LANG

MANG

MANG GORIO

MANG ROLANDO

MS. JANET

MY WAY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with