EDITORYAL - Alingasaw ng corruption
October 18, 2003 | 12:00am
MABIGAT ang complaint ng German firm Fraport AG laban sa personal lawyer ni President Arroyo nanghihingi ng lagay! Ang complaint ay inilatag ng Fraport AG sa World Bank. Ibig sabihin, sa pinakamataas na Korte na naghabla ang German firm at hindi basta-basta ang kanilang akusasyon. Ang Fraport AG ang nagpondo para sa construction ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Inireklamo ng Fraport si F. Arthur "Pancho" Villaraza, personal lawyer ni Mrs. Arroyo at asawang si First Gentleman Mike Arroyo, na nag-demand ng milyong dollar kapalit ng magandang pabor o action mula sa gobyerno. Natigil ang kontrata ng Fraport sa led-consortium nitong Philippine International Air Terminals Co., Inc. (Piatco) nang ipag-utos ito ni Mrs. Arroyo dahil sa hindi magandang provisions. Nahinto ang kontrata noon pang Nov. 29, 2002.
Mag-iisang taon nang nahinto ang operasyon ng Fraport pero ano ang umaalingasaw na ito at nakakaladkad ang pangalan ni Mrs. Arroyo. Itinanggi naman ni Villaraza ang extortion na sinasabi ng German firm. Ayon kay Villaraza, ang Fraport pa ang nag-alok ng pera pero ito ay kanilang ni-reject. Maski si Mrs. Arroyo ay nagimbal sa balitang panghihingi ng lagay. Kakahiya sapagkat sa World Bank pa inilatag ang complaint. Sinabi ni Mrs. Arroyo na hahayaan niyang maimbestigahan ang akusasyon nang may due process. Pinaalalahanan niya ang mga nasa sangkot na harapin ang akusasyon at ipagtanggol ang kanilang sarili.
Ang Pilipinas ay ika-92 puwesto sa mga corrupt na bansa sa buong mundo. Sa Asia ay nasa ika-3 namang puwesto. At ngayong hindi lamang dito sa Pilipinas umalingasaw ang akusasyon ng panghihingi ng lagay, saang puwesto na pupulutin na ang Pilipinas. Kapag napatunayan ang panghihingi ng lagay, dagdag na namang dumi ito sa Pilipinas at sino pa ang magtitiwalang mag-invest ng kanilang pera rito.
Ang panibagong dagok na ito kung hindi kaagad malilinis ng Arroyo administration ay maaaring magdulot ng kasiraan at tataglayin hanggang sa 2004 election. Pagkatapos ng "bomb 3 expose" ni Sen. Panfilo Lacson, eto na naman ang panibagong akusasyon. Sinangkot na ni Lacson si Mrs. Arroyo sa maanomalyang paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ngayoy nakakaladkad na naman siya sa NAIA 3 anomaly. Habang maaga pa patunayang mali ang mga akusasyon sapagkat kapag lumawak mahirap nang matagpian ang nawakwak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest