^

PSN Opinyon

Nakakahiya nga talaga !

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KINAKAILANGAN palang may dumating munang bisitang tulad ni US President George W. Bush, para maging malinis at maisaayos ang kamaynilaan.

Lahat ng madadaanan ni Bush at ng kanyang mga "alipores", mapanghimpapawid o mapalupa man, kinakailangan ay maganda sa paningin.

‘Yung lumulubhang problema sa mga kumakalat na squatters na hindi matinag-tinag, presto, agad nalinis mabilis pa sa alas kuwatro!

Ang sarap pala sa mata, nakakapanibago. Biglang naging maaliwalas ang tanawin. Ilan sa mga lugar na dati’y masisikip ngayon ay lumuwag. ‘Yun nga lang, pumalag ‘yong mga naapektuhan.

Susmaryosep! nakakahiyang sabihin na ang kinakailangan lang pala nating mga "little brownies" ay isang puting Santa Claus na presidente "ubanin" tulad ni Bush.

May "political will" naman pala ang ating pamahalaan kung gugustuhin na sa mga bagay na gusto nilang mangyari. Papaano pag-alis ng bisita? Balik na naman sa dating gawi. Nakakahiya!
* * *
Nakakahiya nga talaga ang umano’y "pangongotong" na pinaparatang ng German Airport Operator Fraport AG laban sa dalawang opisyal ng Malacañang sa International Arbitration Tribunal.

Ang akusasyong ito ay seryoso. Dahil ang nagsasalita ay foreign investor. Kapag hindi maagapan agad ang sigalot na ‘to, lalo pa itong lulubha. Partikular malapit-lapit na ang halalan.

Ang salitang kompiyansa at tiwala sa ating bansa ng mga banyagang mangangalakal (foreign investors) ang nakataya. Pinatitibay lamang ang pananaw na hindi nga maganda ang klima ng "investment" sa bansang Pilipinas.

Matindi ang pulitika sa bansa. Walang katiyakan para sa mga dayuhang investors. Dahil wala ring katiyakan ang utak ng mga nakaupo. Sino nga naman ang magkakaroon ng kumpiyansiya?

Ibang usapan para doon sa mga uri ng negosyo na maituturing "speculative investment". Hindi ito ang nararapat sa ating bansa.
* * *
Para sa TIPS; type BITAG<space>TIPS<space>(message)

COMPLAINTS; type BITAG<space>COMPLAINTS<space>(message)

FEEDBACK; type BITAG<space>FB><space>(message)

I-text at i-send sa 2333 (Globe / TouchMobile) o 334 (Smart / TalknText).

O tumawag sa telepono 932-5310 / 932-8919. At makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

BALIK

BIGLANG

DAHIL

GERMAN AIRPORT OPERATOR FRAPORT

INTERNATIONAL ARBITRATION TRIBUNAL

NAKAKAHIYA

PRESIDENT GEORGE W

SANTA CLAUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with