^

PSN Opinyon

Drug rehabilitation centers para sa mahihirap

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
GUSTO ni DILG bossing Joey Lina na magpatayo ng mga pribadong drug rehabilitatioin centers sa apat na sulok ng Pinas upang matulungang gumaling ang mga drug dependents.

Naging panauhing pandangal si Lina sa inauguration ng pangalawang private drug rehabilitation center na pag-aari ng Seagulls Flight Foundation Inc. (SFFI) sa Antipolo City.

Dumalo sa nasabing pagtitipon si Rodolfo Caisip ng PDEA.

Binigyan ng papuri ni Lina ang SFFI at ang iba pang private drug rehabilitation center dahil sa pakikipagtulungan nito sa pamahalaan upang bumalik sa pagiging normal ang mga drug dependents na nalulong sa masamang bisyo.

May P200 million pondo ang nilaan ng pamahalaan para sa pagpapatayo ng karagdagang drug rehabilitation centers sa Pinas, partikular sa Mindanao.

Ito ay bilang tugon sa kampanya ng pamahalaan laban sa lumalalang kaso ng drug addiction.

Mahigit 4 million ang drug addict sa Pinas.

May limang probinsiya sa Pinas na nangangailangan ng rehabilitation centers upang matugunan ang mga drug users.

Inihayag ni Ed Castillo, pangulo ng SFFI, at Jerry Yap, consultant, na kaya itinayo ang drug center sa Antipolo City ay upang matulungan nila ang mga mahihirap na residente ng lungsod na gustong ipagamot ang kanilang mga mahal sa buhay na lulong sa droga.

Mayroon ding Seagulls Flight Foundation sa Tagaytay City.

"Magaling pala ang naisip nina Castillo at Yap para matulungan ang mga drug dependents na gustong magbagong buhay," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Baka naman saksakan ng mahal kung dito namin dadalhin ang aming mga adik na anak?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"May kaunting gastos ito pero hindi mahal at kayang-kaya ng bulsa ng mga magulang na may problema sa kanilang mga anak."

"Confidential ba ang mga information na ibibigay namin, baka naman ma-tsismis ang mga anak namin kung sa Seagulls namin ipapasok?"

"Siyempre."

"Siguro panahon na para ipasok namin ang mga anak naming dupang sa droga," sabi ng kuwagong sepulturero.

"Dapat lang habang maaga ay magamot na dahil baka makagawa pa ng masama sa kanyang pamilya."

"Ano ngayon ang maganda?"

"Mag-impake na para pumunta sa Seagull."

"D’yan ako bilib sa mga kilos mo, kamote."

ANTIPOLO CITY

DRUG

ED CASTILLO

JERRY YAP

JOEY LINA

RODOLFO CAISIP

SEAGULLS FLIGHT FOUNDATION

SEAGULLS FLIGHT FOUNDATION INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with