^

PSN Opinyon

Ang mahalaga,patay na si Al-Ghozi

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI ko maintindihan ang ilang kababayan. Marami silang alegasyon sa pagkamatay ni Fathur Rohman Al Ghozi. Itinumba raw si Al Ghozi at hindi napatay.

Ayon kay North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol, wala silang nalamang shootout sa nasabing lugar noong Linggo ng gabi dahil wala naman silang barilang narinig. May kumalat na mga balita na matagal na raw patay si Al Ghozi at ang bangkay nito ay nasa cold storage sa Mindanao. Diumano, anim na linggo nang napatay si Al Ghozi kasama si Abdulmukin Edris ng Abu Sayyaf sa isang military checkpoint sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Sur noong Agosto 7. Sinasabing hindi kaagad inilabas sa media ang pagkakapatay kay Al Ghozi para patuloy na makakuha ng funding ang mga maykapangyarihan.

Nanindigan naman si Philippine National Police chief Hermogenes Ebdane Jr. na isang lehitimong operasyon ang pagkakapaslang kay Al Ghozi ng pinagsanib na elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) at ng Armed Forces of the Philippines.

Tigilan na ang pagsisiraan dahil lamang sa isang taong naghasik ng lagim noong Dec. 30, 2000. Ang mahalaga ay napatahimik na siya at ipagdasal natin na wala na sanang umusbong pang muli na katulad ni Al Ghozi.

ABDULMUKIN EDRIS

ABU SAYYAF

AL GHOZI

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

EMMANUEL PI

FATHUR ROHMAN AL GHOZI

GHOZI

HERMOGENES EBDANE JR.

NORTH COTABATO GOV

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with