^

PSN Opinyon

Mga haka-haka kay Al-Ghozi

- Al G. Pedroche -
SARI-SARING "kuwentong barbero" ang maririnig natin tungkol sa pagkakapatay sa international terrorist na si Roman Fathur Al Ghozi. Dahil iginigiit ng mga lokal na opisyal sa North Cotabato na walang naganap na shootout sa lugar na sinasabing pinangyarihan ng sagupaan, lumutang ang espekulasyon na si Al Ghozi ay biktima ng rubout. Sa ibang salita – sinalvage.

Hirit naman ni Rep. Gilbert Remulla: "matagal nang dedo si Al Ghozi at inimbak sa isang cold storage." Pinalabas lang daw na napatay sa shootout kamakailan ang terorista bilang pakitang-gilas kay US President George Bush na napipintong dumating sa bansa.

Naiimbyerna na tuloy ang administrasyong Arroyo, lalu na si Philippine National Police Chief, Director General Hermogenes Ebdane. "Sala sa lamig, sala sa init" nga naman ang pobre.

Pati si Presidente Arroyo ay napilitan nang pabulaanan ang ganitong mga espekulasyon at kurokuro. Bakit nga naman ganyan ang tao? Nung tumakas si Al Ghozi, katakutakot na batikos ang inani ng administrasyon. Pinagbibitiw pa si Ebdane sa malaking kahihiyang tinamo ng Pilipinas sa mata ng daigdig.

Nang masukol si Al Ghozi at mapatay, batikos pa rin ang inani ng administrasyon. Ako’y walang paki ke sinalvage, inilagay sa freezer o talagang natigok sa sagupaan ang teroristang ito.

Ang importante ay napatay siya. Sa ano mang kaparaanan, this menace to the world deserved to be silenced. Marami ang nangangamba na baka rumesbak ang mga terorista at lalung maghasik ng lagim dahil sa pagkamatay ng kanilang ka-kosa.

Let me tell you,
buhay man o patay si Al Ghozi, lalagi ang tangka ng mga terorista na maghasik ng lagim. Kailangan lamang ay maging handa ang mga mamamayan sa pangunguna ng pamahalaan upang masawata ang ganitong mga maitim na balak. Kaya pasalamat tayo sa Diyos at isang galamay ng terorismo ang naputol. Posibleng marami pang galamay ang umusbong pero magpakaalerto tayo para agad maputol ang mga galamay na iyan.

AL GHOZI

BAKIT

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

GILBERT REMULLA

NORTH COTABATO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF

PRESIDENT GEORGE BUSH

PRESIDENTE ARROYO

ROMAN FATHUR AL GHOZI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with