Ayon kay Dr. Fe Flores Cataquiz dapat na sumailalim sa komprehensibong eye exams. Kinakailangang magpaeksamin ng mata tuwing dalawa o apat na taon ang mga umeedad ng 40 hanggang 64 at isa hanggang dalawang taon ang mga 65 taong gulang.
Sinabi pa ni Dr. Cataquiz na dapat na magsuot ng sombrero at sunglasses para proteksiyon. Nararapat na gumamit ng sunglasses na humahadlang sa 99 hanggang 100 percent of UVA and UVB light na sanhi ng katarata. Ang mga lenses na kulay pula, orange or amber tint ay mabisang sanggalang laban sa tinaguriang blue light. Ayon pa rin sa doktora iwasang manigarilyo sapagkat ang usok ay mapaminsala lalo na sa mga may katarata.
Ipinapayo rin niya ang pagkain ng mga prutas at gulay na taglay na lutein at zeazanthin na importante sa mga mata gayundin ang carrots na good source of Vitamin A precurser beta carotene at mga sariwang prutas na may Vitamin C. Kailangan din ng mga mata ang multivitamins araw-araw.
Para sa mas lalong maliwanag ng mga paraan para mapangalagaan ang paningin sumangguni sa Flores Cataquiz Optical Center No. 532-90-15, 1919-4766804 at hanapin sina Dr. Fe, Dr. Ellen, Nick o si Jojo.