^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ireporma ang PNP

-
PALPAK ang Philippine National Police at kinakailangan nang pagbabago. Kung hindi magkakaroon ng pagbabago marami pang bilanggo ang makatatakas sa Camp Crame bunga ng kapabayaan. Ang Camp Crame ang tahanan ng PNP na pinamumunuan ni Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Sa panahon ni Ebdane nagkaroon nang maraming kontrobersiya at sa kabila niyan, nananatili pa rin siya sa puwesto. Kung patuloy ang panunungkulan ni Ebdane marami pang kapalpakang mangyayari. Nakatakas sa Camp Crame si Fathur Rohman Al-Ghozi na noong Linggo lamang napatay makaraang pumuga noong July 14 kasama ang dalawang bandidong Abu Sayyaf. Nakatakas din sa Crame ang drug lord na si Henry Tan at ang MILF rebel na si Faisal Marohombsar.

Bukod sa mga pagtakas, kahiya-hiya na naaagawan ng baril ang guwardiyang pulis gaya nang nangyari noong nakaraang linggo. Isang Abu Sayyaf detainee ang nang-agaw ng M-16 rifle at nangratrat ng pulis. Tatlong pulis ang napatay ng nag-amok na si Buyungan Bungkak.

Kung hindi napatay si Al-Ghozi, mahuhulog pa sa kumunoy ng kontrobersiya ang PNP. Pero kahit na napatay na si Al-Ghozi, mahihirapan pang makabangon ang PNP sa mga nangyaring kapalpakan. Isa lamang ang paraan para maibangon ng PNP ang nadungisang pangalan, magkaroon dito ng dagliang reporma. Sibakin ang mga pabaya sa puwesto. Itapon sa ibang lugar ang mga corrupt. Palitan nang mahusay mamuno at may dedikasyon sa trabaho. Ang PNP ay isang organisasyon na nararapat magkaroon ng mataas na pagtingin mula sa mamamayan. Pero hindi ganyan ang nangyayari, ang PNP mismo ang nagbabagsak sa sarili dahil sa mga opisyal at miyembrong gumagawa ng kabulastugan.

Ang pagtakas nina Al-Ghozi ay dahil sa kapabayaan o masasabing katangahan ng mga pulis. Sinabi ng nahuling si Omar Opik Lasal, isang Abu Sayyaf member at kasamang tumakas ni Al-Ghozi, nakalabas sila sa selda nang walang kahirap-hirap. Una’y nagawa nilang makabili ng cell phone kahit nasa loob ng kulungan at nakatawag sa tutulong sa kanilang pagtakas. Madali nilang natanggal ang kandado ng selda, nakalabas at dumaan sa mga pulis na hindi sila napansin. Kahit nagdaaan sa maraming pulis, wala ni isa man ang nakapansin sa kanila.

Ganyan ang klase ng mga pulis na nasa Camp Crame. Mahihina at walang pakiramdam. Hindi nakapagtataka kung maulit pa ang mga pagtakas, pag-aamok, pang-aagaw ng baril sa nasabing tahanan ng PNP kung hindi magkakaroon ng reporma.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AL-GHOZI

ANG CAMP CRAME

BUYUNGAN BUNGKAK

CAMP CRAME

EBDANE

FAISAL MAROHOMBSAR

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

HENRY TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with