Huli man daw at magaling nakauwi pa rin
October 14, 2003 | 12:00am
MALAKING pasasalamat sa Diyos ang namutawi sa bibig ni Nicasio Dagsa ang huling seaman na dumating sa Pinas matapos ang mahigit sa tatlong taong pagkakakulong sa Al Mamoora at Ras Al Khaimah sa United Arab Emirates.
Makapanindig balahibo ang naging senaryo nang dumating sa NAIA si Nicasio nang salubungin ito ng kanyang pamilya dahil hagulgulang umaatikabo at iyakan ang nangyari.
Personal na sinalubong nina First Gentleman Jose Miguel Arroyo, Amable Aguiluz V. Special Envoy to the Gulf Cooperation Council, at Overseas Workers Welfare Administration chief Virgilio Angelo at Johnny Ramos si Dagsa sa airport.
Parang telenobela ang nasaksihan sa NAIA nang magkita si Dagsa at ang kanyang inang si Fortunata at ang anak na si Annalyn kasama ang tatlong apong lalaki.
Bagamat pagod sa biyahe, bakas naman ang kasiyahan sa mukha ni Dagsa nang mayakap at mahalikan ang kanyang mga mahal sa buhay.
Halos mawalan ng pag-asa si Dagsa ng maiwanan siya ng kanyang 22 kasamahan seafarers dahil nauna ang mga ito sa pag-uwi sa Pinas dahil siya lamang ang nasa karsel ng mga oras na iyon.
Dasal at pananampalataya sa Diyos at sa pangako ni Tata Mike kasama si Amba Aguiluz na lamang ang pag-asa kung makakauwi sa Pinas.
Bakit ba nahuli si Dagsa sa pag-uwi? tanong ng kuwagong urot.
"May iba pa kasong betsa o kaso si Dagsa sa UAE kaya siya nahuli, sagot ng kuwagong Kotong cop.
Pero masaya si Dagsa nang muling makaapak sa arrival ng NAIA porke para raw siyang nasa alapaap sa tuwa.
Bakit addict ba ito?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Oo, addict siya sa pag-uwi sa kanyang pamilya.
Masaya ba sila Tata Mike, Amba Aguiluz at OWWA bossing Ver Ange-lo?
Siyempre, dahil home at last ang pinagbilin ni Prez Gloria.
"Eh, kung hindi nakuha si Dagsa?
Tiyak sa UAE magpapasko ang tatlong itlog?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended