Tanong sa Pag-IBIG ng US immigrant
October 12, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako ay kasalukuyang immigrant dito sa United States. Ngunit pagdating ng panahon nais kong bumalik sa Pilipinas dahil ang aking pamilya ay mas gustong tumira diyan. Matagal ko nang naririnig ang Pag-IBIG Overseas Program ng Pag-IBIG. Ano ba ito? Maari ba akong maging miyembro ng Pag-IBIG kahit ako ay klasipikadong imigrante na dito sa US? Kung maaari magkano naman ang magiging buwanang kontribusyon? Catherine Santos
Ang Pag-IBIG Overseas Program ay naglalayong mabigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan na simulang mag-impok para sa kinabukasan ng ating mga pamilya. Kasama sa programang ito ang pagbibigay ng oportunidad sa mga miyembro na mag-avail ng housing loan hanggang P2 milyon batay sa inyong kapasidad na magbayad at halaga ng naging kontribusyon.
Ang Pag-IBIG Overseas Program ay bukas sa lahat ng overseas Filipinos kasama na rito ang mga immigrants sa Canada, US at natural born citizens na naging Canadian at American citizens.
Ang sumusunod ang inyong maaaring kontribusyon.
Sa US
Buwang sahod Halaga ng kontribusyon
US$1,000 at pababa US$20
Mas mataas sa $1,000 US$40
Sa Canada
Buwanang sahod Halaga ng Kontribusyon
C$1,500 at pababa C$30
Mas mataas sa $1,500 C$60.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended