Ang chemotheraphy at ang prostate cancer

KAPAG narinig ang chemotheraphy, o chemo ang unang maiisip ay ang cancer. Ang pamamaraang ito ang ginagawa upang ma-treat ang cancer. Ito ay ang paggamit ng toxic drugs. Kaya matatawag na ang pamamaraang ito ay ang paglason sa lahat ng uri ng cells.

Ang mga uri ng cancer na karaniwang nagagamot ng chemotheraphy ay kinabibilangan ng leukemias, testicular tumors at lymphomas.

Ang prostatic cancer sa kasamaang palad ay hindi naman responsive sa ganitong uri ng pamamaraan. Sinasabing 20 porsiyento ng prostate cancers ay pinauurong (shrink) ng chemo subalit ang pag-urong na ito ay tumatagal lamang ng dalawang buwan. Dahil dito napakaliit ng tsansa na mapagaling ng chemo ang prostate cancer. Ganoon pa man hindi tumitigil sa pagsasagawa ng pamamaraan ang mga dalubhasa gaya ng pagku-combine ng mga chemotherapeutic drugs para sa prostate cancer. Malaki ang probability na ang mga tinutuklas na pamamaraan ay magdudulot para mag-shrink ang prostate cancer. Patuloy ang pagsusumikap sa area na ito at marami ang umaasa na mayroong epektibong kombinasyon ng drug at magiging available na ito sa hinaharap.

Dahil dito, nararapat na magsagawa pa ng mga experimental trial tungkol sa prostate cancer. Kailangan pa ang pagsasaliksik at mga pagsubok para ma-determine kung anong gamot ang nagre-response sa prostate cancer upang magamit na sa hinaharap.
* * *
Kung mayroon kayong katanungan kay Dr. Elicaño, sulatan siya. Ipadala sa ganitong address: WHAT’S UP DOC? ni Dr. Tranquilino Elicaño Jr. Pilipino Star NGAYON, Railroad cor Roberto Oca Sts., Port Area, Manila.

Show comments