Siguro mayroon din kayong mga kaibigan at kakilala na dumaan sa ibat ibang pagsubok. Marahil ay marami na kayong alam ngayon na mga taong nakaranas ng sari-saring pag-ikot ng kapalaran na maaaring dumating sa inyong kaalaman sa pamamagitan ng mga balita sa mga pahayagan, radyo at telebisyon na katulad ng kasaysayan ng buhay ng mga artista, pulitiko at mga iba pang impluwensiya at mahahalagang personalidad sa ating bayan at sa buong mundo.
Isa sa magandang halimbawa ay ang pagwawagi sa pagka-Gobernador ng California ni Arnold Schwarzenegger. Siyempre, sino ba sa atin ngayon ang hindi nakakakilala sa sikat na Hollywood action star na ito. Subalit, ito ang sinasabi kong paglalaro ng kapalaran sa buhay ng tao. Si Terminator ay ipinanganak at lumaki sa Austria. Wala siyang ginawa noon kundi ang pagpalaki lamang ng kanyang katawan na nagamit niya kung kayat nanalo siya sa mga contest na katulad ng Mr. Universe.
Nagtungo si Schwarzenegger sa Amerika upang mag-artista. Dumaan siya sa hirap at ibat ibang pagsubok hanggang sa nagkaroon siya ng puwang upang umunlad. Napangasawa ang isang pamangking-buo ni Presidente John F. Kennedy. Magandang halimbawa si Terminator para magsikap.