^

PSN Opinyon

Arnold Schwarzenegger,dumaan sa hirap

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI natin alam kung ano ang kahihinatnan ng buhay sa bandang huli. May mga nagsisimulang lungkot sapagkat sobra ang dinanas na paghihirap sa buhay. Sa bandang huli nang dahil sa pagpupunyagi, nakaahon rin at ngayon ay mayroon nang marangya at maligayang pamumuhay. Mayroon ring mga pangyayari na kabaligtaran naman nito. Dating nasa tugatog ng tagumpay at hindi mapapantayang kaligayahan, ngayon ay nasasadlak sa dilim ng kalungkutan at nagdadalamhati sa kalungkutan.

Siguro mayroon din kayong mga kaibigan at kakilala na dumaan sa iba’t ibang pagsubok. Marahil ay marami na kayong alam ngayon na mga taong nakaranas ng sari-saring pag-ikot ng kapalaran na maaaring dumating sa inyong kaalaman sa pamamagitan ng mga balita sa mga pahayagan, radyo at telebisyon na katulad ng kasaysayan ng buhay ng mga artista, pulitiko at mga iba pang impluwensiya at mahahalagang personalidad sa ating bayan at sa buong mundo.

Isa sa magandang halimbawa ay ang pagwawagi sa pagka-Gobernador ng California ni Arnold Schwarzenegger. Siyempre, sino ba sa atin ngayon ang hindi nakakakilala sa sikat na Hollywood action star na ito. Subalit, ito ang sinasabi kong paglalaro ng kapalaran sa buhay ng tao. Si ‘‘Terminator’’ ay ipinanganak at lumaki sa Austria. Wala siyang ginawa noon kundi ang pagpalaki lamang ng kanyang katawan na nagamit niya kung kaya’t nanalo siya sa mga contest na katulad ng Mr. Universe.

Nagtungo si Schwarzenegger sa Amerika upang mag-artista. Dumaan siya sa hirap at iba’t ibang pagsubok hanggang sa nagkaroon siya ng puwang upang umunlad. Napangasawa ang isang pamangking-buo ni Presidente John F. Kennedy. Magandang halimbawa si Terminator para magsikap.

AMERIKA

ARNOLD SCHWARZENEGGER

DUMAAN

GOBERNADOR

ISA

MAGANDANG

MARAHIL

MR. UNIVERSE

PRESIDENTE JOHN F

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with