Sinuman ay maaaring maging organ donor o tissue donor. Hanggang 80 years old ay puwedeng mag-donate at ayon kay Dr. Menguita Padilla ng Makati Medical Center ay puwedeng ang isang 85 anyos ay maghandog ng kanyang cornea.
Ang isang organ donor ay dapat na makipagsanggunian sa kanyang pamilya at doktor. Ang mga gusto niya ay kanyang ipahahayag bago isagawa ang transplant makaraang siyay pumanaw. Ang mga parte ng katawan na puwedeng idonate ay ang kidney, liver, heart valve, heart, pancreas, corneas, bone and skin. Ang proseso ay magsisimula kapag magkaroon na ng brain damage na wala nang pag-asang gumaling o maka-recover. Maraming serye ng pag-eeksamin ang gagawin para maipahayag ang brain death. Isang transplant team ang magsasagawa ng operasyon at pagkatapos ay gagawin na ang funeral arrangements ng pamilya ng organ donor. Walang katapusang pasasalamat ang ipinaaabot ng mga organ recipients sa pamilya ng naghandog sa kanila ng panibagong buhay at pag-asa.