^

PSN Opinyon

Sinuman ay maaaring maging organ donor

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA panahong ito ay marami ang nagbubuluntaryong maghandog ng anumang parte ng kanilang katawan para sa kanilang kapwa at nang maisalba ang buhay. Matatandaan na ang anak ng yumaong Senador Rene Cayetano ay naging organ donor sa kanyang ama. Ang yumaong aktor na si Jay Ilagan ay nag-donate ng mga cornea ng kanyang mata sa dalawang recipients.

Sinuman ay maaaring maging organ donor o tissue donor. Hanggang 80 years old ay puwedeng mag-donate at ayon kay Dr. Menguita Padilla ng Makati Medical Center ay puwedeng ang isang 85 anyos ay maghandog ng kanyang cornea.

Ang isang organ donor ay dapat na makipagsanggunian sa kanyang pamilya at doktor. Ang mga gusto niya ay kanyang ipahahayag bago isagawa ang transplant makaraang siya’y pumanaw. Ang mga parte ng katawan na puwedeng idonate ay ang kidney, liver, heart valve, heart, pancreas, corneas, bone and skin. Ang proseso ay magsisimula kapag magkaroon na ng brain damage na wala nang pag-asang gumaling o maka-recover. Maraming serye ng pag-eeksamin ang gagawin para maipahayag ang brain death. Isang transplant team ang magsasagawa ng operasyon at pagkatapos ay gagawin na ang funeral arrangements ng pamilya ng organ donor. Walang katapusang pasasalamat ang ipinaaabot ng mga organ recipients sa pamilya ng naghandog sa kanila ng panibagong buhay at pag-asa.

vuukle comment

DR. MENGUITA PADILLA

HANGGANG

ISANG

JAY ILAGAN

MAKATI MEDICAL CENTER

MARAMING

MATATANDAAN

SENADOR RENE CAYETANO

SINUMAN

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with