SA pagsulong ng programang pabahay ng kasalukuyang administrasyon, nagpasa ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ng resolusyon. Ito ay ang HLURB resolution No. 748 na naglalayon na mapabilis ang pagproseso ng mga housing developers ng kanilang aplikasyon upang makakuha ng Certificate of Registration at License to Sell. Batay sa resolusyon na ito, kung ang lupang nais gawing subdibisyon ay klasipikado nang residensyal, komersyal, industriyal o iba pang development purposes batay sa Comprehensive Land Use Plan o Zoning Ordinance na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan. Ayon sa EO 72, Series of 1993, hindi na kailangang dumaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) upang kumuha ng Conversion Order.
Ang nasabing resolusyon ay bunga ng inisyung Executive Order No. 45, Series of 2001 ni President Gloria Macapagal-Arroyo na nagbibigay ng mas maikling panahon ng pagproseso ng mga permits at lisensiya sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan para sa mga proyektong pabahay.
Sa hakbanging ito, lalo nating mahihikayat ang pribadong sektor ang kanilang partisipasyon sa low cost housing projects ng ating tanggapan. Malaki ang maitutulong ng pribadong sektor na makamit o lampasan ang ating adhikaing makagawa ng mahigit 200,000 bagong housing units sa mamamayan.