Matindi kasi ang operasyon ng bugok gang sa Batangas customshouse kaya naman sinusundan ito ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Malalim ang sindikato ng bugok gang sa Batangas customshouse pati ang gobyerno ay nawawalan ng koleksyon at kung mayroon man ay kasing laki lamang ng kulangot ang napupunta dito dahil tinatapyas ng grupo ni Egay Lanzones at ng mga gagong Customs ang tax revenue collection para sa bayan?
Si Egay Lanzones, ang namamayagpag ngayon sa Batangas customshouse kasi siya ang binigyan ng basbas para maging engkargado, taga-kolekta ng tara at tagamudmod ng intelihensiya sa mga kamote diyan sa Batangas customshouse. Customs Commissioner Tony Barnardo, take note.
May trabahong malalim ang tandem ni Egay Lanzones at isang Michelle de Luka-loka, ang broker ng mga imported luxury vehicles na madalas magpalusot ng mga sasakyan sa nasabing lugar.
Hindi pa kasama rito ang mga imported rice na pinupuslit ng grupo ni Nik Bamboo-a.
Sa susunod na mga isyu ay pag-uusapan natin at hihimayin ang katarantaduhan ng ilang kamoteng Customs officials sa Batangas customshouse.
Tuloy ang isyu, may ilang karnap vehicles galing abroad ang ipinupuslit ng grupo ni Egay Lanzones at Michelle de Luka-loka. TMG bossing Danilo Mangila, pakibusisi nga ito.
May proteksiyon dito si Bogart, ang sampit ng isang bugok na pulitiko sa Batangas dahil ito ang kontak nina Egay Lanzones at Michelle de Luka-loka.
Isa pa lang ito sa trabaho ng bugok gang. DOF Secretary Lito Camacho, Your Honor.
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil Christmas day ang araw ng Biyernes sa mga bugok.
Ito pala ang araw ng hatian ng mga intelihensiyang nalikom ni Egay Lanzones para sa mga kamote nilang kontak sa Batangas customshouse.
Kaya ang araw na ito ay sagrado sa mga bugok!
Dapat pabantayan ng Palasyo sa grupo ng Anti-Smuggling Intelligence and Investigation Center ang nasabing lugar, sabi ng kuwagong haliparot.
Matindi pala ang bugok gang sa Batangas, anang kuwagong sepulturero.
Kumpas lang ni Prez Gloria ang kailangan para matigil ang kagaguhan dito, sabi ng kuwagong Kotong cop.
Kapos ang kolum ng Chief Kuwago sa susunod ikukuwento natin ang mga kagaguhan ng mga kamote sa Batangas customshouse.
"Abangan.