^

PSN Opinyon

Kaso ng ginahasang misis

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ANG mag-asawang Nita at Pol, kasama ang lima nilang anak ay nakatira sa kusina ng farmhouse ng kanilang amo dahil naka-empleyo bilang kusinera si Nita.

Isang gabi, habang wala si Pol, pinasok ni Max, trabahor din sa bukid, sina Nita at limang anak habang hawak ang itak at kutsilyo. Kinaladkad papalabas ni Max si Nita at dinala sa isa pang farmhouse na may layong 200 metro. Ginahasa ni Max si Nita habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg ng babae.

Kahit na pinagbantaan ni Max si Nita na huwag magsalita, nagkaroon pa rin ito ng lakas ng loob na magreklamo ng rape sa awtoridad. Sinampahan ng kaso si Max at nahatulan ng reclusion perpetua. Kahit na nakasaad ang aggravating circumstance na dwelling sa information, hindi pa rin ito isinaalang-alang ng Korte dahil nangyari raw ang rape sa ibang farmhouse. Tama ba ang Korte?

MALI.
Ang dwelling ayon sa Revised Penal Code Art. 14 par. 3, ay maaaring pag-aari o hindi ng biktima. Ang biktima ay maaaring boarder, bed spacer o nangungupahan lamang. Sa kasong ito, dapat ay isinaalang-alang ng korte ang dwelling bilang aggravating circumstance. Ang kusina kahit na hindi sa pag-aari ni Nita ay masasabing kanyang tirahan.

Hindi materyal kung nangyari ang rape sa ibang lugar, dahil sa tinitirhang kusina kinuha ang biktimang si Nita. Kahit na may aggravating circumstance na dwelling, naging reclusion perpetua pa rin ang parusa ni Max dahil nasuspinde ang death penalty nang mangyari ang krimen (People of the Philippines vs. De La Torre G.R. 98431, January 15, 2001).

DE LA TORRE G

GINAHASA

ISANG

KAHIT

KINALADKAD

KORTE

MAX

NITA

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

REVISED PENAL CODE ART

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with