2 opisyal ng pamahalaan maaaring maeskandalo tulad kina Kris at Joey

ALAM n’yo bang marami ang nangangamba na baka malagay din sa malaking kontrobersiya ang dalawang opisyal ng pamahalaan?

Ayon sa aking bubuwit, 79 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday kay Ms. Korina Sanchez ng ABS-CBN, Mon Quijano ng MBC, Sheryl Cervantes at Joy Melendres.
* * *
Alam n’yo bang may mga nangangamba na baka malagay din sa malaking eskandalo ang dalawang opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa aking bubuwit, kung hindi mag-iingat ang dalawang opisyal ng pamahalaan na ito ay baka malagay din sila sa malaking kontrobersiya tulad sa nangyari kina Mayor Joey Marquez at Kris Aquino.

Ang kaibahan lamang, itong dalawang opisyal ay hindi naman nag-aaway tulad sa nangyari kina Joey at Kris. Wala rin sigurong mangyayaring tutukan ng baril sa kanilang dalawa…

Subalit may posibilidad na isa sa kanila ang matutukan ng baril o kaya ay masaktan.

Ayon sa aking bubuwit, pareho na kasing may pananagutan sa buhay ang dalawang opisyal na ito. Ang dalawa ay mukhang hindi masaya ngayon sa kanilang married life. Matagal nang napapabalita na may sekretong love affair ang dalawa.

Masyadong discreet ang diumano’y love affair ng dalawa subalit marami naman ang nakakahalata. At ito ay alam na rin pala ng close friends ng dalawa. Lalo ang mga kaibigan ng babaeng opisyal na ito sapagkat siya mismo ang nagkukuwento sa kanyang mga matalik na kaibigan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, noong mga nakalipas na ilang linggo ay galit na galit diumano ang mister ng nasabing opisyal. Kasi, nakakahalata na siya na may iba palang minamahal ang kanyang misis.

Bukod diyan ay napapansin din nitong madalas makipag-miting ang kanyang misis sa isang opisyal na kanyang pinagseselosan.

At ayon pa sa aking bubuwit, itong dalawang love birds ay meron palang secret rendezvous. Sila ay madalas palang magkita sa bahay ng isang kilalang construction magnate. Ang bahay nito ay nasa isang exclusive subdivision sa Makati City.

Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang opisyal ng pamahalaan na posible ring masangkot sa eskandalo tulad kina Joey at Kris kapag hindi sila mag-ingat ay sina…

Ang dalawang opisyal na ito ay wala sa Executive branch ng pamahalaan.

Sila ay parehong nasa Legislative body ng pamahalaan.

Show comments