Mahathir

ANG Malaysia ngayon ang isa sa bansang hinahangaan hindi lang ng mga bansang nasa Asia kung hindi sa buong mundo dahil sa bilis ng kanilang pag-unlad.

Ginagawa na rin silang ehemplo ng mga bansang Muslim dahil karamihan sa Malaysian ay Muslim at nakakainggit talaga ang mga pagbabagong nangyayari sa kanilang bansa.

Nagmula sa isang bansang napakahirap at napakagulo isa na ngayong napakaunlad na bayan na kinatitirikan pa ng super taas na Petronas Towers, isa sa pinakamataas na gusali sa buong mundo.

Ilang taon lang ang nakalipas nang ang bansang ito ay ating pinagtatawan, ang kanilang mamamayan namamangha pag nakakapasyal rito sa atin, lalo na ang kanilang mga opisyales.  Tayo ang kanilang kinaiinggitan at gusto nilang pamarisan.

Pero ngayon, milya-milya na ang layo nila sa atin, masarap ang pamumuhay ng mga Malaysian at lahat ng yan ay nagawa sa pamumuno ng kanilang Prime Minister na si Mahathir Mohamad.

Isang lider na unang inisip ang kapakanan ng Malaysia bago ibang bayan.  Isang lider na nanindigan kahit sa mga Amerikano ukol sa pananakop nito sa bansang Iraq.

Hindi rin siya natinag at nilabanan niya rin ang mga mauunlad na bayan sa Europa na siyang namimilit kumontrol ng ekonomiya  ng buong mundo.

Sa kanyang mga nagawa, ang ekonomiya ng Malaysia ay lubos na umunlad at dahil dito ay lubos na yumaman at gumanda ang kanilang pamumuhay.  Patunay ito sa mga investment nila hindi lang sa kanilang sariling bayan kung hindi pati na rito sa atin.

Marami ang mga Malaysians na nag-iinvest rito pero ang mas madaling  nakikita natin ay ang mga casinos, gaya ng sa Subic at sa ilang mga hotels sa Metro Manila. Wala na silang takot na binabanga ang mga taga Hongkong at Macau sa negosyong  ito.

Tingnan n’yo rin ang ating mga appliances, marami rito ay gawa na rin nila.  Dati-rati  gawa sa Japan tapos Taiwan ngayon China at Malaysia na.

Masakit pa nito, dati ay sila ang mga nagti-TNT sa atin, ngayon, tayo na ang mga illegal na nagtatrabaho sa kanila.

Naiwanan  na nila tayo at isa sa  pinakamalaking dahilan ay mayroon silang Mahathir samantalang tayo ay may Madam Senyora Donya Gloria.

Madam Senyora Donya Gloria na humihingi raw ng senyales sa itaas kung tatakbo pa o hindi bilang Pangulo ng Pilipinas pero namatayan ng ilaw sa buong Roma ng bumisita siya.  Madam Senyora Donya Gloria na natumba habang umaakyat sa isang Ford pick up habang nag-iinspeksyun daw ng kalye.  Madam Gloria na sinabi  nuong Disyembre 30 nang nakaraang taon na di na siya tatakbo.

Madam Senyora Donya Gloria na hindi raw makikialam sa JOSE Pidal scam pero pinasundo si Udong Mahusay kay Housing Secretary Mike Defensor, pinasunod pa si Spokesman Ignacio Bunye at ginamit pa ang Presidential Chopper at miyembro ng PSG.

Madam Gloria na marami pang salitang binitiwan na hindi pinanindigan at mga atras abanteng desisyon at pagkilos.

Samantalang si Mahathir iisa ang sinabi  ng tanungin kung magbabago pa ang isip niya sa pag-reretiro kahit na nakikiusap at nag-iiyakan ang kababayan at kasamahan, "If I do (change my mind) my credibility will be gone."

Ngayon natin isipin bakit maunlad sila at tayo ay tuluy-tuloy sa pagbagsak puwera na lang sa krimen, drugs na pangatlo na raw tayo sa buong mundo at korupsyon na pang 11 sa daigdig. 
* * *
Kung gus2 ng pagba2go mga pulitikong nangu2rakot wag ng ibo2. –09272595884; Sa mga kasapi ng filgood filbad ang masang pilipino sa inyo kakampi kayo ng mga magnanakaw. –09208357733; M. arroyo sbi mo maawa ke luli at s pamilya mo. Bkit s mga pmilyang pilipino  n nghi2rap at my skit d kau maawa, srap buhay niyo psyalan nyo ROMA. –09197698836;

Sana ituloy ang imbestigasyon sa million dollar case ni mr. nani perez at ang pidal expose ni sen. lacson kawawa na ang luhaang inangbayan. –09197156833; Pgma kpal nman ng mukha  nu, pg tumakbo k p sa 2004 election ala2hanin ny yng dinura n d mo na dpat higupin pa! –09187562156; Sana matapos na ang mga paghihirap ni juan dela cruz! Sana mawala na ang mga ganid ngayon! –09167004730;

Halatang nagensayo ng husto si Ignacio a. kc khit anong pilit  na gayahin ang perma ni mike hindi pa rin magkapareho.  –09207006856; Pkbusi2 lng ang AFP Finance CTR na ibigay na ang differential nmin n  nagretire non png 1999 d p nmin ntanggap o bka binulsa n. –09186552138.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua@yahoo.com o kaya’y magtext sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments