^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ano pang palatandaan ?

-
NAKITA na kaya ni President Arroyo ang palatandaan kaya ihahayag na umano niya ngayon ang kanyang mga balak sa 2004 election? Marami na ang nag-aabang sa magiging desisyon ni Mrs. Arroyo. At maaaring ang ihahayag niya ngayon ay taliwas sa kanyang ipinangako noong Dec. 30, 2002 na hindi na siya tatakbo. Bago tumulak patungong United States at Europe si Mrs. Arroyo, sinabi niyang hinihingi pa niya ang palatandaan sa langit bago ihayag ang kanyang mga layunin sa 2004 presidential. Nakasalalay sa palatandaan ng langit kung siya ay tatakbo o hindi na. Kung anong palatandaan ang ipakikita ay walang nakaaalam.

Nang bumisita sa Unisan, Quezon si Mrs. Arroyo kamakalawa, nadulas siya habang sumasampa sa isang sasakyan. Umuulan nang maganap ang pagdulas ganoon man, hindi iyon ininda ni Mrs. Arroyo. Nasa Unisan ang presidente para sa paglulunsad ng "Kalsada Ko, Aalagaan Ko" road maintenance project. Ang pagdulas kaya ni Mrs., Arroyo ang palatandaang kanyang hinihintay? Nang bumisita siya sa Rome nagkaroon nang malawakang blackout. Ang ibig sabihin kaya ng blackout ay huwag nang tumakbo si Mrs. Arroyo? O iyon ay palatandaan na siya ay tumakbo?

Noong nakaraang taon pa naging matunog ang pagtakbo ni Mrs. Arroyo na agad din namang itinanggi. Nagkaroon na nang mainitang pagtatalo sa isyu ng pagtakbo. Nagbatuhan na ng putik. Namayani ang siraan. Subalit nang ipahayag ni Mrs. Arroyo na hindi na siya tatakbo sa 2004, natigil ang tensiyon. Inihayag niya ang kanyang desisyon noong Dec. 30, 2002. Nawala ang init ng pulitika. Parang nabuhusan ng malamig na tubig. Sinabi ni Mrs. Arroyo na itutuon na lamang niya ang pansin sa pagpapalakas ng ekonomiya at sa pag-aangat ng kalagayan ng mahihirap.

Subalit nagbabago na ang indayog ng katawan ni Mrs. Arroyo sa kasalukuyan at nagpapahiwatig ng pagtakbo. Naglutangan na rin ang mga streamers na nagsasabing "GMA sa 2004". Subalit umiiwas si Mrs. Arroyo.

Bagsak ang kabuhayan, marami ang jobless, laganap ang krimen, talamak ang holdapan at kidnapan at marami pa. Dapat harapin at solusyunan ang mga problemang ito. Dapat pa bang humingi ng palatandaan sa langit para sa gagawing desisyon sa 2004?

Ang pag-iwas ni Mrs. Arroyo na ihayag ang kanyang mga plano sa 2004 elections ay hindi maganda sa bansa. Walang kapanatagan at patuloy ang alimuom ng kung anu-anong balita. Mabuway ang bansa. Kung ihahayag ni Mrs. Arroyo ang kanyang layunin maaaring mabawasan ang tensiyon.

AALAGAAN KO

ARROYO

DAPAT

KALSADA KO

KANYANG

MRS

MRS. ARROYO

NANG

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with