Ayon sa international dentist na si Helen Velasco D.M.D. mahalaga na malaman ng mga ina ang mga bagay na kaugnay sa teething troubles ng mga anak nila. Ang mga bata ay tutubuan ng unang ngipin kapag silay lima o pitong buwan na. Kapag silay dalawa at kalahating taong gulang meron na silang 20 milk or baby teeth na mawawala kapag umedad na sila mula anim hanggang 12 taong gulang at papalitan ito ng permanent o adult teeth at dito ay ibayong pag-iingat ng ngipin ng bata ang dapat na ipatupad lalo na ng mga ina. Kapag nagngingipin magkakaroon ng pamumula ang gilagid na may pagkakataong nagdudulot ng ibayong sakit. May mga bata na kapag nagngingipin ay nilalagnat, walang ganang kumain, sumasakit ang tiyan at nagkakaroon ng mga pantal ang balat at nahihirapang matulog.
Sinabi ni Dr. Velasco na dapat na marahang dampian ng malinis na tela ang gums at bigyan ng yelo ang baby o anumang malamig na mangangatngat gaya ng frozen banana. Palaging punasan ang bibig ng bata ng maligamgam na tubig. Itoy makakatulong din para maiwasan ang pamamantal ng balat. Dampian ng teething gel ang gums lalo na kapag ang baby ay sobrang nag-aalboroto dahil sa inkombinyenteng nararanasan niya.
Ayon pa rin sa dentista na nagpakadalubhasa sa Amerika at British Columbia, kapag ang teething troubles ay umabot ng mahigit tatlong araw o kapag hindi nawawalan ng lagnat, may diarrhea, sore ears at ayaw uminom ay huwag nang magdalawang-isip pa at agad na sumangguni sa doktor. Para sa karagdagang impormasyon sa teething troubles and other dental problems makipag-ugnayan kay Dr. Helen Velasco sa V.M. Hospital, 240-2633, 645-9508 at 678-2364.