Matapos umano ratratin ng PACC ang 11 Kuratong suspects sa Commonwealth Ave., binalak ng gang maghiganti. I-a-assassinate nila si Ping at Vice President Joseph Estrada.
Kabarkada ni Devnani noon sina Erap at Atong Ang. Malimit sila mag-casino. Siya raw yung nasa likod ni Erap sa videotape ng pagba-baccarat ni Erap - exposé na nauwi sa pagkawala ni Edgar Bentain.
Mayat maya siya kinukulit ni Ang na sumapi sa kidnapping, ani Devnani. Pero tumanggi raw siyang magbigay ng mga pangalan ng mga kaibigang Indians. Minsan may nakidnap na kapatid ng kaibigan. Inusisa niya agad si Ang kung may kinalaman ito. Tumawa lang daw si Ang at sinabihan siyang tumulong na lang sa negosasyon ng ransom. Matapos ang tawaran, inutusan ni Ang si Devnani na dalhin ang ransom sa isang restaurant, at doon din palalayain ang biktima. Laking gulat ni Devnani na ang tumanggap ng pera at nagpalaya sa biktima ay pinuno ng Kuratong.
Isa ring casino financier ang kumukulit kay Devnani na sumapi sa kidnapping, kasama ang isang PACC officer. Nang tumanggi siya, kinulit naman siya na magbayad ng mga utang nung madalas siya matalo sa sugal. Nagsumbong siya kay Ang. Tumawag daw si Ang kay Ping para pagsabihan ang kumukulit at yung PACC officer. Ayaw na raw ni Ping ng kidnapping dahil malapit na ang 1998 election.
Naalala raw niya bigla ang bulong ni Arnie Tuadles bago mapatay. Para daw hindi patayin ng Kuratong sina Erap at Ping, nakipag-usap ang katropang Eddie-boy Villanueva. Hahayaan daw ng PACC mangidnap ang gang, at bibigyan pa ng biktima, magka-ayos lang sila.