^

PSN Opinyon

PACC,Kuratong nagsabwatan

SAPOL - Jarius Bondoc -
MALAGIM ang pinaratang ni Indian national Danny Devnani kay Ping Lacson nu’ng Agosto 2001. Nagsabwatan daw ang senador, bilang hepe ng Presidential Anti-Crime Commission Task Force Habagat, at Kuratong Baleleng sa kidnapping ng Indian businessmen nu’ng 1997. Sinumpaan ni Devnani ang kanyang salaysay sa Senado. Hindi siya sinagot ni Ping.

Matapos umano ratratin ng PACC ang 11 Kuratong suspects sa Commonwealth Ave., binalak ng gang maghiganti. I-a-assassinate nila si Ping at Vice President Joseph Estrada.

Kabarkada ni Devnani noon sina Erap at Atong Ang. Malimit sila mag-casino. Siya raw ‘yung nasa likod ni Erap sa videotape ng pagba-baccarat ni Erap - exposé na nauwi sa pagkawala ni Edgar Bentain.

Maya’t maya siya kinukulit ni Ang na sumapi sa kidnapping, ani Devnani. Pero tumanggi raw siyang magbigay ng mga pangalan ng mga kaibigang Indians. Minsan may nakidnap na kapatid ng kaibigan. Inusisa niya agad si Ang kung may kinalaman ito. Tumawa lang daw si Ang at sinabihan siyang tumulong na lang sa negosasyon ng ransom. Matapos ang tawaran, inutusan ni Ang si Devnani na dalhin ang ransom sa isang restaurant, at doon din palalayain ang biktima. Laking gulat ni Devnani na ang tumanggap ng pera at nagpalaya sa biktima ay pinuno ng Kuratong.

Isa ring casino financier ang kumukulit kay Devnani na sumapi sa kidnapping, kasama ang isang PACC officer. Nang tumanggi siya, kinulit naman siya na magbayad ng mga utang nu’ng madalas siya matalo sa sugal. Nagsumbong siya kay Ang. Tumawag daw si Ang kay Ping para pagsabihan ang kumukulit at ‘yung PACC officer. Ayaw na raw ni Ping ng kidnapping dahil malapit na ang 1998 election.

Naalala raw niya bigla ang bulong ni Arnie Tuadles bago mapatay. Para daw hindi patayin ng Kuratong sina Erap at Ping, nakipag-usap ang katropang Eddie-boy Villanueva. Hahayaan daw ng PACC mangidnap ang gang, at bibigyan pa ng biktima, magka-ayos lang sila.

vuukle comment

ARNIE TUADLES

ATONG ANG

COMMONWEALTH AVE

DANNY DEVNANI

DEVNANI

EDGAR BENTAIN

ERAP

KURATONG

KURATONG BALELENG

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with