^

PSN Opinyon

Mag-asawa kinasuhan ng estafa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NEGOSYO ng mag-asawang Andres at Myrna ang magpatakbo ng isang restaurant at magtinda ng karne sa palengke. Si Andres ang bahala sa restaurant samantalang si Myrna ang nakabantay sa puwesto sa palengke. Isa sa mga nagsu-supply ng karne sa kanila ay si Julie.

Minsan, nagdeliver ng karne si Julie sa puwesto ni Myrna. Doon ay nag-isyu si Myrna ng postdated check bilang bayad sa biniling karne. Sa mga oras na yon ay tumutulong si Andres sa asawa. Nang dumating ang petsa na tseke, pinapalitan ito ni Julie sa banko subalit tumalbog ito.

Maraming beses hiniling ni Julie ang bayad mula kay Myrna subalit nabigo siya. Kaya, sinampahan niya ng kasong Estafa through false pretenses ang mag-asawang Andres at Myrna. Ayon kay Julie, nagsabwatan daw ang mag-asawa na ilihim sa kanya na wala palang pondo ang mga ito sa banko.

Si Andres lamang ang nalitis dahil nakatakas si Myrna. Depensa ni Andres na wala siyang aktibong partisipasyon sa negosyo ni Myrna at wala siyang kinalaman sa tsekeng inisyu ng asawa. Dagdag pa rito na wala siya sa palengke nang mga oras na yon at nang tumalbog ito, wala na siyang narinig pa mula sa asawa.

Nahatulan pa rin si Andres ng Estafa base sa pakikipagsabwatan nito sa asawa sa paglinlang kay Julie. Hindi inayunan ng Korte ang alibi ni Andres.

Kinumpirma ito ng Court of Appeals. Tama ba ang naging hatol kay Andres?

MALI.
Mahina ang naging ebidensya ng prosekyusyon laban kay Andres. Dapat sana ay malinaw nilang napatunayan ang bawat elemento ng krimen. Ang
conspiracy o ang sabwatan tulad ng isang krimen ay nangangailangan ng proof beyond reasonable doubt. Sa kasong ito ay hindi man lamang nabanggit sa desisyon ang pagpapatunay ng sabwatan. Hindi rin sapat ang pagiging asawa upang sabihing nagkaroon ng sabwatan sina Andres at Myrna. Napawalang-sala si Andres.

vuukle comment

ANDRES

ASAWA

AYON

COURT OF APPEALS

DAGDAG

DAPAT

DEPENSA

JULIE

MYRNA

SI ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with