^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Holdap dito,holdap doon

-
KUNG mababangis ngayon ang mga kidnapper sa pagdagit sa kanilang bibiktimahin, mababangis din at walang patawad ang mga holdaper kung sumalakay at pumatay. Lantaran na ang kanilang panghoholdap at wala nang kinatatakutan. Kahit katanghaliang tapat ay bumabanat. Patay kung patay!

Pinaka-latest na pag-atake ng mga holdaper ay noong Lunes, dakong ala-una ng hapon sa may hagdanan ng MRT station sa Kamuning, Quezon City. Inabangan ng may anim na armadong kalalakihan ang pagkolekta ng kita sa nasabing station. Nakaposisyon na sa may hagdanan ang mga holdaper at nang bumaba ang PNB cashier at dalawang guwardiya na may hawak sa bag na may lamang pera, umatake. Binaril sa mukha ang isa sa mga guwardiya at inagaw ang bag. Dead-on-the-spot ang guwadiya. Binaril naman ang isa pang guwardiya, at kritikal ang kalagayan sa ospital. Tinatayang nasa P1 milyon ang nakulimbat. Tumagal lamang ng limang minuto ang panghoholdap. Naganap iyon sa kaliwanagan ng araw.

Kamakailan lamang, pinasok ng mga holdaper ang isang branch ng Citibank sa Makati at nakatangay ang mga holdaper ng malaking halaga ng salapi. Sa kaliwanagan din ng araw naganap ang panghoholdap at sa loob pa mismo ng pinaka-headquarters ng Citibank. Ang panghoholdap na iyon sa Citibank branch ang kauna-unahang nangyari sa lahat ng sangay ng nasabing banko sa buong mundo.

Sunud-sunod na ang mga nangyayaring panghoholdap sa mga banko. Hindi na sila natatakot kung sumalakay. Isang dahilan marahil kung bakit wala nang pagkatakot kung sumalakay ang mga holdaper ay sapagkat wala namang pulis na makikitang nagpapatrulya sa mga lansangan.

Kung mayroon mang nahuhuli o napapatay na holdaper ang mga pulis, iyan ay mabibilang lamang sa daliri. Hindi ganap na masawata ang pagsalakay sapagkat hindi epektibo ang kampanya laban sa mga halang ang kaluluwa. Kamakailan, inumpisahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagdedeploy sa mga bus ng mga detectives para lumaban sa mga holdaper. Magandang ideya ito subalit maaaring sa katagalan ay mawalan din ng saysay sapagkat sa umpisa lamang nagiging masigasig ang PNP.

Ang police visibility ang pinaka-mainam na paraan upang masawata ang pamamayagpag ng mga holdaper. Bigyan ng kaukulang armas ang mga pulis na panlaban sa mga halang ang kaluluwa na kahit sa kasikatan ng araw ay sumasalakay at walang pangiming pumapatay.

BIGYAN

BINARIL

CITIBANK

HOLDAPER

INABANGAN

KAMAKAILAN

KUNG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with