Dapat ay alas-singko pa siya ng hapon aalis patungong Paris, France pero napilitang umalis ng ala-una o four hours earlier kasi nga namatayan ng koryente ang naturang bansa.
Habang sinusulat natin ito ay bumalik na at normal na ang kuryente sa Italy, lalo na sa Roma.
Hindi na balita sa atin ang mga blackout, sanay na tayong lahat diyan pero nagulat tayo habang namimili ng diyaryo kahapon ng umaga sa may kanto nang magsalita bigla ang isang Ginang at sabihing "yan ang Divine Guidance, nagdidilim lahat para sa kanya, ginamit niya kasi ang Pangalan ng Diyos."
Nagtatakang tinanong ko ang Ginang, ano ang kanyang ibig sabihin at ang sagot niya ng walang preno, "Ano pa ba, di tumigil na siya at huwag na niyang bolahin ang tao, huwag niyang gamitin ang Diyos tsaka bakit siya nakaitim para siyang nagluluksa, parang may masamang mangyayari," tuloy pa ng Ginang.
Sagot po natin, ano namang masama sa nakaitim, yan ang tradisyon pag bumibisita sa Santo Papa pero mabilis na tugon ng Ginang "Tingnan mo nga ang litrato niya parang, ewan ko basta nakakatakot."
Natauhan din tayo, bakit nga naman kung kelan nandoon siya, doon pa nag-blackout at kalalabas lang halos niya sa Vatican, long distance rin ang isa nating kaibigang OFW sa Roma na sumama raw ang panahon at talagang napakalakas ng ulan habang nandoon si Madam. (Habang sinusulat ko ito ay maaraw na maaraw ang Roma, tapos ang ganda pa ng temperatura na 19 celsius ayon sa CNN weather).
Medyo kinilabutan talaga tayo dahil naniniwala rin tayo sa mga pamahiin at kasabihan ng mga matatanda at pati sa Feng Shui.
Research tayo at nagtatawag sa mga kaibigan at kakilala. Puwede raw palang hindi nakaitim ang Madam dahil pinuno siya ng isang bansa, bagamat tradisyon na ang Katolikong bumibisita sa Santo Papa ay nakaitim at ang kababaihan ay naka-belo pang itim din.
Ewan ko ba, lalo akong kinabahan, sabi kasi ng ilang natawagan ko, iba talaga yung biglang nagdilim tapos bumuhos pa ang ulan, parang may masama raw mangyayari tapos may malaking kamalasan. Baka raw trahedya o kalamidad at dala raw ng malas na pinuno.
Huwag naman sana, sana palpak sila dahil kung hindi, kawawa naman tayo kung tuloy pa ang kabuwisitan at kamalasan sa ating bayan. Hindi mga taga-Malacañang ang nagdurusa, hindi rin mga pulitiko, tayong mga ordinaryong mamamayan ang tuloy na naghihirap.
Talagang close ang family nila, sana tayong lahat din ano puwedeng sumama tutal asawa naman si Madam ng bayan kaya kung hindi mo siya asawa ay mommy mo siya o basta kamag-anak din. The Family that travels together, may bonding hindi ba? Kakainggit, sana tayong lahat ganoon din. Tanong lang ng kakuwentuhan ko sa Clover Leaf Market, "Pare, sino nagbabayad ng biyahe nila?"
Ewan ko, tanong natin sa Malacañang, kayo sa palagay nyo?
Joey kris hwag na pagusapan mas sisikat sila unahin muna natin sariling pamilya baka nagugutom na sa katsitsika. 09189350557; Kung 1 ordnyryng tao lng c kris s pinagsasabi nya mrmi ang manddri s knya. Proo lucky p rn sya dhil anak sya ng bayani n d nya nrsp2. 09205603928;
Kmi nkknig lng sa jose pidal acct na yan. Gnagawa tayong tanga ng mgkapatid na arroyo. 09207465794; Gma huwag kang mag ala2 merong lord n gusto kang tumakbo at manalo si jose pidal yung lord ng mga smuggler. 09205779550;
Suerte tlaga 1st family no buong family ksama pati apo but hnd pa ksama alaga aso at pusa. 09167342269; Sen. serge osmena idol kita dahil sa j. pidal isyu ituloy mo yan. 09223467791; Kami mga nag tetext kay Nixon kua, d kmi laban sa gobyerno cnasabi lang nman nmin anng ka22hanan. Kong kayo ay napikon cguro ay tama kami! 09163535431;
Senado at kongreso gumawa ng batas na patawan ng kaparusahann ang isang witness na bumaligtad upang hndi na pamarisan ng iba. 09185054356; Bakit natatakot si gma na maagaw ang kanyang pwesto samantalang ang pwesto nya ay inagaw din niya. 09194444374;
Bakit d ptkbuhin s 2004 election c labandera pidal pr makita kung pno maghiganti c juan dela cruz n pinagnkwn nila ni JOSE PIDAL. 09178921897; Ang galing tlg ni Gloria Arroyo akalain nu pti c STO PAPA ginamit! C mike nagmano pa! 09172457955.