^

PSN Opinyon

Dalawang Cabinet member nagkaroon ng STD

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang dinapuan ng sexually transmitted disease (STD) ang dalawang Cabinet member?

Ayon sa aking bubuwit, 86 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Ms. Ruth Abao Espinosa ngDZRH; Valenzuela Mayor Bobit Carlos, former Vice-Mayor Simeon Coloma ng Pinili, Ilocos Norte; Gen. Renato Paredes, Martin Lorenzo Reyes at kambal nitong si Lorenzo Marvin Reyes.
* * *
Alam n’yo bang ‘‘nagka-tulo’’ pala ang dalawang Cabinet member ni President Macapagal-Arroyo?

Ayon sa aking bubuwit, hindi nag-iisa sina Mayor Marquez at Kris Aquino. Meron silang mga kasama, ang kaibahan lamang, tahimik na nagpagamot ng STD ang dalawang opisyal.

Ayon sa aking bubuwit, hindi binanggit kung kanino nahawa ng STD ang dalawang Cabinet member.

Ang dalawang Cabinet member ay iisa ang clinic na pinagpagamutan. Ang clinic ay kilala ng mga nasa alta sociedad na nagkakaroon ng STD. Talagang espesyalista sa STD at karamihan ng mga ginagamot ay mayayaman.

Ayon sa aking bubuwit, ang clinic na pinuntahan ng dalawang opisyal ay nasa Makati City. Hindi ito sa loob ng isang ospital kundi isang office building. Kaya hindi halata na clinic ang pinupuntahan ng mga pasyenteng nagkakaroon ng STD.

At maniniwala ba kayo na pati mayayaman at mga sikat na kababaihan na may STD ay dito rin nagpapagamot.

Sana doon na lang nagpagamot si Kris para hindi siya nagkaroon ng bleeding.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang cabinet member na nagpagamot sa isang clinic sa Makati City dahil sa kanilang STD ay walang iba kundi sina…

Huwag na nating banggitin yung mga pangalan, kasi kakandidato ang isa rito sa 2004 elections baka gamitin pa itong black propaganda laban sa kanya, kawawa naman.

Ang isa sa kanila ay matangkad at ang isa naman ay kilala bilang ‘‘trouble shooter’’ ng Malacañang.

vuukle comment

AYON

DALAWANG

ILOCOS NORTE

KRIS AQUINO

LORENZO MARVIN REYES

MAKATI CITY

MARTIN LORENZO REYES

MAYOR MARQUEZ

STD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with