^

PSN Opinyon

Pera sa maleta, pakay sa Kuratong murders

SAPOL - Jarius Bondoc -
BAKIT ginigisa si Ping Lacson sa Kuratong Baleleng case, gayong inubos niya ang bank robbers bilang hepe ng PACC Task Force Habagat nu’ng May 18, 1995? Nanlaban ang 11 pusakal, kaya binaril sila. ‘Yan ang press release ng senador.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, nina SPO4s Eduardo delos Reyes at Corazon de Jesus bago bumaligtad, at nina Sen. Raul Roco, Ernie Maceda at Orly Mercado nu’ng taong iyon, ito ang totoong nangyari:

Umaga, May 17: Dumating mula Dipolog sina KB leader Wilson Soronda, pamangking Jane Gomez, at dalawang lalaking menor-de-edad na magbabakasyon sa Maynila. Tuloy agad sila sa hideout sa Superville Subd., Parañaque. Naroon ang anim na ka-gang. Pinakita ni Soronda kay Jane ang maleta na may P25 milyon at sinilid ito sa cabinet. Sinakay nila sa kotse ang isa pang maletang may $2 milyon at P250,000, at umalis sila.

Kinagabihan: Ni-raid ng tropa ni Ping ang Superville hideout. Huli ang anim na gangster at dalawang menor. Sinakay sila patungong Camp Crame sa dalawang Mitsubishi L-300 nila.

Kinabukasan madaling araw: Patay na ang walo, kasama ang tatlo pa, makalipas ang mahabang car chase sa Commonwealth Ave., Quezon City. Repasuhin ang mga retrato sa diyaryo nu’ng May 19. Walang suot na sapatos ang 11 patay. Halatang hindi sa car chase nanggaling.

Ayon kay Ping walang nahuli sa Superville. Tinago niyang may isa pang raid nu’ng gabi rin ng May 17 sa Camia St., Alabang. Huli dito ang babaing kapatid ni Soronda at tatlong lalaki. ‘Yung tatlo ang isinama sa niratrat. ‘Yung babae natagpuang patay sa Laguna nu’ng May 19.

Gabi, May 18: Hindi alam nina Soronda, Jane at pinsang Jinky Pait na hawak na pala ng tropa ni Ping ang Alabang hideout nang pumunta sila roon. Huli sila. Napabalita nu’ng gabing ‘yon na napatay si Soronda habang inaagaw ang baril sa pulis. Sumpa ni Jane, nanginginig sa takot ang tiyuhin bago barilin nang malapitan. Minolestiya sina Jane at Jinky bago pakawalan kinabukasan. Ang pera sa kotse, tinangay ng tropa.

vuukle comment

ALABANG

CAMIA ST.

CAMP CRAME

COMMONWEALTH AVE

ERNIE MACEDA

HULI

JANE GOMEZ

JINKY PAIT

KURATONG BALELENG

SORONDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with