^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kidnap dito,kidnap doon

-
HABANG marami ang sumusubaybay sa Kris-Joey controversy, aktibo naman ang mga kidnapper sa pagsalakay at walang takot kung dumagit ng biktima.

Pinaka-latest na dinagit ng mga kidnapper ay isang Pilipino-Chinese businessman sa Bagong Barrio, Caloocan City. Ang Tsinoy businessman na hindi muna binanggit ang pangalan ay kalalabas lamang umano sa simbahan noong Linggo, at sakay ng kanyang scooter, nang isang Isuzu van ang biglang humarang sa daraanan at sapilitan siyang isinakay ng limang kalalakihang armado ng baril. Naganap ang pangingidnap dakong 7:30 ng umaga. Ang pangingidnap sa Tsinoy ay naganap dalawang araw makaraang kidnapin ang 12-anyos na batang lalaki sa Parañaque City habang papasok sa school dakong 6:30 ng umaga.

May 54 na ang kasong natatalang pangingidnap na ang pinaka-huli ay ang naganap sa Caloocan City noong Linggo. Sino pa ang susunod na dadagitin ng mga kidnapper? Sa walang tigil na pangingidnap, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na mas mababa ang insidente ng pangingidnap ngayon kumpara noong nakaraang taon at noong 2001.

Limampu’t apat na ang insidente ng pangingidnap sa taong ito at tila ipinagmamalaki pa ng PNP na mas mababa ito kumpara sa nakaraan. Tila hindi sila nababahala sa walang patid at walang takot na pamamaraan ng mga kidnapper na kahit katirikan ng araw ay dumadagit ng biktima. Mayroon bang ginagawang hakbang ang PNP para masawata ang sunud-sunod na kidnapping o mas mahusay lamang silang magpalabas ng press release na ginagawa naman nila ang tungkulin. Sinabi ni PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. sa pakikipag-meeting kay Vice President Teofisto Guingona na gagawin nila ang lahat ng paraan para matigil ang kidnapping sa darating na tatlong buwan.

Hindi na bago ang ganitong pangako ni Ebdane sapagkat minsan na niyang sinabi na sa loob ng isang taon ay madudurog ang mga kidnapper. Walang nagkatotoo. Katwiran pa ng PNP, nahihirapan silang madurog ang sindikato sapagkat hindi naman nakikipag-cooperate ang mga kaanak ng biktima sa kanila. Ito raw ang dahilan kung kaya patuloy ang insidente ng kidnapping. Hindi masisisi ang mga kaanak ng biktima na hindi makipag-cooperate sapagkat sa halip na matulungan sila ay lalo pang napapahamak.

Malala ang kidnapping at magpapatuloy ito hangga’t ang kampanya ng PNP dito ay ningas-kugon lamang. Seryosong aksiyon ang kailangan sa problemang ito.

ANG TSINOY

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

EBDANE

HERMOGENES EBDANE JR.

LINGGO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

VICE PRESIDENT TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with