^

PSN Opinyon

Paano magbabayad sa PAG-IBIG housing loan ?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Nakapag-avail na ako ng Pag-IBIG housing loan. Dalawamput limang taon akong magbabayad ng aking utang. Dalawang taon na akong nagbabayad ng buwanang amortisasyon.

Dahil sa lumalago naman ang aming negosyo, nais ko sanang magbayad ng mahigit sa aking buwanang amortisasyon. Ano ba ang aking gagawin upang makaltasan ang aking principal loan? Maari ko rin bang bayaran na ng buo ang aking loan? Ano ang batayan ng halagang aking babayaran? –Manuel Tan, Manila


Maaaring bayaran ng buo o ng malaking halaga ng isang borrower ang kanyang Pag-IBIG housing loan. Ang halaga ng babayaran ay batay sa outstanding balance ng inyong housing loan. Upang i-apply sa principal loan ang inyong babayaran, kailangang magbayad ng halaga na katumbas ng mahigit tatlong buwang amortisasyon. Ito ay tinatawag na pre-payment.

Ang pagbabayad ng pre-payments ay makakabawas sa inyong outstanding principal balance. Maari rin ninyong bayaran ang inyong housing loan sa mas maikling panahon, makipag-ugnayan lamang kayo sa restructuring department ng Pag-IBIG o tumawag sa numero bilang 8114-401, restructuring department.

vuukle comment

AKING

ANO

DAHIL

DALAWAMPUT

DEAR SEC

LOAN

MAARI

MANUEL TAN

MIKE DEFENSOR

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with