Gustong bumli ng lupa at bahay

Dear Sec. Mike Defensor,

Mayroong ibinebentang lupa at bahay dito sa amin. Interesado kaming bilhin ito. Ngunit wala kaming sapat na halaga para bilhin ang lupa at bahay na ito.

Sampung taon na rin kaming miyembro ng Pag-IBIG. Maari ba naming i-loan ito sa Pag-IBIG? Paano po namin malalaman kung mahihiram namin ang buong halaga ng nasabing lupa at bahay?
–JENNY PASCUA, Pasig City

Sa ilalim ng Consolidated Guidelines of the Pag-IBIG Housing Loan, ang Pag-IBIG Housing Loan, ay maaring i-avail ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa sumusunod na pangangailangan: 1.) Pagbili ng residensyal na lote na hindi hihigit ng 100 square meters; 2.) Pagbili ng lote at pagpapagawa ng bahay sa nasabing lote mismo; 3.) pagbili ng lupa at bahay, townhouse or condominium unit, kasama na ang parking slot. Maari itong: a.) bago o lumang bahay. b) Nakasangla sa HDMF 0 c.) Acquired asset nabenta sa pamamagitan ng public bidding; 4.) Pagpapagawa o pagpapatapos ng pinatayong bahay sa loteng pag-aari ng miyembro; 5.) Pagpapaayos ng bahay o house improvement; 6.) Refinancing ng mortgage loan sa isang institusyong tanggap sa HDMF.

Ang kabuuang halaga na maari ninyong mautang ay batay sa halaga ng kakaya- nang magbayad at appraised value ng lupa o lupa’t bahay.<

Show comments