^

PSN Opinyon

Actual rescue operation sa mga kababaihang menor de edad

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAGUMPAY na nasagip ng BITAG at ng grupo ng Special Operation Group (SOG) ng Western Police District (WPD) ang ilang menor de edad na kababaihan sa kamay ng sindikato ng white slavery sa Blumentritt, Manila.

Eksklusibong nahulog sa BITAG ng aming camera ang lahat ng pangyayari, simula sa aming isinagawang planning hanggang sa actual rescue operation na mapapanood sa telebisyon sa susunod na Sabado.

Bunsod ito sa reklamo ng dalawang menor de edad na nakatakas sa kamay ng sindikato at agad namang lumapit sa BITAG. Dahil sakop ito ng Western Police District agad kaming nakipag-ugnayan sa SOG-District Special Police Unit (DSPU) na nakabase sa Manila City Hall.

Mabilis pa sa alas-kuwatro, agad pinagplanuhan ng aming grupo at ng team leader ng SOG na si SPO4 Vic Batara sa ilalim ni S/Supt. Ernesto Libay, hepe ng SOG-DSPU.

Magiging hipokrito ako kung hindi ko sasabihin na nagkaroon ng pag-aalinlangan ang aming grupo sa dahilang baka magkatimbrihan. Subalit tiniyak sa akin ni Batara na hindi maaaring pumalpak ang nasabing operasyon.

Siniguro naman ng BITAG na dokumentado ng aming tatlong camera ang lahat ng galaw ng pinagsanib na grupo ng BITAG at ng SOG sa operasyong ito.

Parang nag-oorder lang ng pizza. Ide-deliver ng sindikato sa hotel o motel ang menor de edad na babae. Sa operasyong ito pulis mismo ang ginamit naming undercover, si PO2 Erwin Macaraeg.

Sa loob ng kuwarto ng Century Motel sa may Rizal Avenue nakatago naman ang BITAG undercover upang kunan ang transaksyon. At nang dumating na ang bugaw dala ang babae, hinintay lang ng aming undercover ang pagbayad ni Macaraeg sa bugaw.

Sa ibaba ng motel, naghihintay naman ang pangalawang grupo sa pangunguna mismo ni SPO4 Batara kasama ang isang cameraman ng BITAG. Pagbaba ng bugaw agad itong hinuli at pinosasan habang dala ang marked money.

Nang positibo na ang pag-aresto sa bugaw at sa inorder na babae, agad namang tinimbrihan ang pangatlong grupo kasama ang inyong lingkod. Hudyat na ito sa aming grupo para sugurin na ang kuta ng mga menor de edad na inilalako ng "mamasang" ng sindikato na si ANALYN OJEDA.

Nagulpi de gulat ang "sugo ni satanas" na si Analyn nang makita ang grupo upang sagipin ang mga inilalako niyang menor de edad. Lahat ng pangyayari, hulog sa aming BITAG.

Nagawa pa nitong "disipulo ni taning" na sapakin ang aming camerman at nagsisigaw na akala mo’y siya pa ang biktima. At nang paupuin namin ito sa sala, inihiwalay sa mga sinagip naming mga menor de edad. Walang patid ang tunog ng telepono.

Sunod-sunod itong sinagot ng operatiba ng SOG, lahat ng mga tumawag ay mga customer na umoorder at nagpapadeliver ng menor de edad sa kanilang kinaroroonan. Napansin din ng aming grupo ang motorsiklo, tadtad ito ng sticker ng pulis at ng SWAT.

Sa harap ng aming camera, itinuro sa amin ng biktimang menor de edad na ang motorsiklo ang ginagamit na pang-deliver ng mga menor de edad. Dinala ito ng mga operatiba sa presinto bilang ebidensya.

Panoorin ang buong detalye ng aming matagumpay na rescue operation sa Sabado Oktubre 4, alas-singko hanggang alas-singko y media sa BITAG sa ABC 5. <

vuukle comment

AMING

BITAG

CENTURY MOTEL

DISTRICT SPECIAL POLICE UNIT

EDAD

GRUPO

MENOR

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with